Chapter 37: Dying heart

1 0 0
                                    

 
  Pilit kong nilalabanan ang antok habang naka masid kay Oxomon na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. Tumayo ako at inayos ang kumot sa kaniya at muling umupo sa kama at pinag masdan siya.

"Is he really okay?"

Nag pakawala ito ng buntong hininga at tumingin kay Oxomon. Hindi ito umimik kaya binaling ko ang tingin sa kaniya, bat hindi nya sagutin ang tanong ko?

"Bakit hindi gumagaling ang sugat nya? Nakita ko noon kung pano gumaling ang sugat ni Oxomon, Pero bakit ngayon hindi gumaling? Ano bang nangyayari sa kanya?"

Hindi inalis ni Reilo ang tingin kay Oxomon, abat! Ang sungit talaga ng lalaking to, hindi ko pa to nakikitang ngumiti manlang sakin, akala koba mga friendly ang mga angel?

"Dahil mas inuna ka niya kesa sa sarili niya"
Hindi nakalagpas sakin ang lungkot na gumuhit sa mukha nya.

"What do you mean?"

Tumayo ito at umupo sa kabilang kama at hinawakan ang leeg ni Oxomon, tila may sinusuri ito ilang sigundo rin ang lumipas bago siya bumalik sa pag kaka upo nya.

"Alam mo naman na nag kakatawang tao siya hindi ba? Mahina ang katawan ng tao kumpara sa aming mga angel, madali kaming nanghihina kapag nagagamit at nabibigla ang aming kakayahan at ang ginawa ni Oxomon kanina ay sobra sobra"

Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isipan ni Reilo dahil nakatingin na ito sa akin. Kaya napa iwas ako ng tingin at muling binalik kay Oxomon.
Sabi ko na nga ba may mali sayo Oxomon, Lagi mo nalang akong nililigtas at thankful ako don pero kung ikasasama mo ay hindi ko matatanggap yon. Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit ngayon ko lang nalaman? Muntik ka ng mamatay ng diko nalalaman at dahil pa sa pag liligtas sa buhay ko?
Namalayan ko nalang ang mainit na likidong tumatawid sa aking pisnge.

"Your too much Oxomon" mahinang saad ko dito, I grab his right hand and make it warm.

"Mahal na mahal ka niya hindi ba?"
Hindi ako umimik bagkus ay naidiin ko ang pag kakahawak sa kamay niya. Mahal na mahal moko Oxomon? Napangiti ako dahil sa narealize kung gaano ako ka swerte sa kaniya.

"At mahal mo rin siya?"

"Sobra"
Ngayon ko lang to naramdaman, nakakatawa nga diba? Dahil sa isang angel na kagaya niya pa? Sino nga naman ang mag iisip na totoo ang mga angel? And luckly na inlove pako sa isa.

"Alam mo bang mali ang ginagawa niyo?"
Ang ngiti ko ay naputol dahil sa sinabi ng walangyang to, sinira ang mood ko.
Kunot noo ko siyang tiningnan.  Alam ko yun dahil ilang beses ng sinabi sakin ni Oxomon ang bagay na yon.

"Oo"

"Alam mo pero pinag patuloy mo pa din?"

Doon ako napaharap sa kaniya, ano bang gustong palabasin nito? Nadapat iwasan ko si Oxomon? Sinubukan ko namang pigilan ah? Pero ang hirap kalaban ng puso.

"Alam mo bang maari syang maparusahan at mag hirap habang buhay dahil sa pag mamahalan niyo?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Reilo, Totoo? Muka namang hindi nag bibiro ang angel na to.

"H-indi kita ma intindihan"

Tumayo ito at tumingin ng deretso saking mga mata. Nag pakawala ito ng buntong hininga at muling tinuon ang tingin kay Oxomon.

"Masaya ako na masaya ang aking kaibigan Elisha, masaya ako at nararanasan niyang umibig, Pero mali ang kaniyang pag-ibig, mali itong ginagawa nyo."

Nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan, nasasaktan ako hindi dahil sa mga sinasabi niya kung hindi dahil parang sinasaksak niya sakin ang katotohanang hindi kami pwede at kailan man ay hindi kami magiging pwede.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon