Chapter 39: Familiar

3 0 0
                                    


  Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan ang kesame ng kwarto ko.
Napakatahimik ng buong condo, ramdam na ramdam ko ang pag iisa ko sa lugar na to. Nag landas ang masasaganang luha sa akin. Na mimiss na kita manager sana masaya kana ngayon lalo nat nabigyan kita ng hustisya.

Napatingin ako sa orasan pasado 3 pm na pala kaya minabuti ko nalang na maligo, at bisitahin si mama.

   Tahimik akong nag lalakad habang patungo sa puntod ni mommy. Nilapag ko ang bulaklak na dala ko  para sa kanya, nilinis ko rin ang ilang mga dahon na tumakip na sa lapida nya.

"How are you mom? Im sorry kung ngayon lang ako nakapunta sayo, Naging busy lang"
Umupo ako sa tabi ng puntod nya at pinag masdaan ang tahimik na lugar.

"Alam ko na mommy kung sino ang may gawa ng lahat ng to, hindi na ako mag tataka kung  nagawa nya to sayo, napakasama nya mommy. Sobra"

Patuloy lang sa paglandas ng masasaganang luha, ang bigat bigat kase ng pakiramdam ko ang hirap hirap na wala ka ng aasahan mula sa ibang tao. Ang sakit kase tinitiis ko ng mag isa ang lahat.

"She also killed my manager, ang isang tao na masasandalan ko pero kinuha rin nya, kinuha nya kayo sakin at ang sakit sakit mommy ano bang nagawa ko? Bakit kinukuha lahat ng taong mahal ko mommy?"

Hindi kona inabala pang punasan ang masaganang luha na patuloy na tumutulo sakin.

  "Oo nga pala mommy may nakilala akong lalake si Oxomon, kaso mommy mukang hindi rin sya para sakin dahil mahal namin ang isat isa pero hindi kami pwede. At ngayon sobra akong nahihirapan sobramg hirap ng kalagayan ko ngayon mom"

"Ano ba ang dapat kong gawin? May nagawa ba akong mali? Bakit pinaparusahan ako ng ganito? Bakit lagi nalang ako? Bakit mommy? Wala bang pwedeng mag stay sa buhay ko, lahat ba talaga kailangang iwan ako? Mommy, durog na durog nako"

Hindi ko narin mapigilan ang pag hikbi, wala rin namang makakarinig sakin dito kaya ayos lang na ibuhos ko lahat ng sama ng loob ko dahil hirap na hirap na talaga ako.
Nakakapagod.

Ilang minuto pakong nag tagal bago ko naisipang umalis sa puntod ni mommy, kahit papano gumaan ang pakiramdam ko kaya thankful nadin ako at pumunta ako dito.

 
Hindi ko alam kong anong nangyari sakin basta nalang akong dinala ng mga paa ko sa park dito, hindi kalayuan sa condo ko.

Lumabas ako ng sasakyan at tiningnan ang paligid, napakabuhay ng paligid mula sa makululay na play groundequipments, mga balloon, at sa mga batang nag tatakbuhan buhat buhat ang mga ngiti nila sa labi.

Pinili kong umupo sa isang bench na tanaw ang mga nag lalaro sa playground.
Mali atang pumunta pako dito, mas bumibigat lang ang pakiramdam ko sa lugar na to. Ang sasaya nila samantalang ako ito, parang pasan ko ang mundo at sinasalo amg lahat ng kalungkutan sa paligid.

 
   Tumayo ako at balak na sanang umalis ng saktong may nadapang bata sa harap ko.
Tumayo ako para sana umalis ng tumingin sa akin ang bata habang nag papagpag ng kamay nya.

"Erika!"
Sabay kaming napalingon sa lalakeng may dalang cotton candy na papunta samin, ito siguro ang tatay ng batang to.

Aalis na sana ako ng mapatingin ako sa mukha nya. Nag katitigan kami at sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking dibdib, hindi ko magawang ilihis manlang ang tingin sa kanya.

Bakit ganon? Bakit parang nasasaktan ako lalo habang nakatingin sa lalakeng to.

"Baby ayos ka lang?"
Humiwalay na ng tingin ang lalake at pinagpagan ang kanyang anak. Maya maya pa muli itong tumingin sa akin.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon