Chapter10: Bodyguard

7 1 0
                                    


         OXOMON

Tahimik kong minamasdan ang paligid mula sa mataas na gusali Habang inaantay ang magaling kong kaibigan na dumating.
Hindi nag tagal ay dumating ito pero makikita ang kakaibang ngiti sa mga labi.

"Anong naging hatol sa kanya?"
Bungad ko sa kanya. Rinig ko ang buntong hininga nito bago tumabi sa akin.
"Ikinulong ito at siniguradong hindi na muli itong makakatakas, Bago ito hatulan ay kailangan muna natin mahanap ang apat pang mga peccatum ng sagayon ay makabalik kanadin kaagad "

Tumango tango ako sa kanya, Gustong gusto ko ng bumalik sa taas sa piling ni Ama, Kaya gagawin ko ang lahat para mas mapaagang mahanap ang iba pa.

"Nalaman kong may tahanan kana? Bakit hindi moko dalhin doon?"

Nakuha ng aking atensyon ang kanyang sinasabi, Ang babaeng iyon na walang ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw.
Umiling iling ako sa kanya
"Makakapag hintay naman yan, Sa ngayon hanapin mo na ang iba pang peccatum nais ko ng bumalik"

Hindi naman sya umimik at maya maya ay bigla nalang itong nawlaa ng parang bula.
Narinig ko ang kakaibang tunog sa aking tiyan, Ibigsabihin nagugutom nako, Ibang klase ang katawang ito ang bilis magutom. Hindi nako nag dalawang isip pa at Pinaglaho ang aking sarili patungo sa bago kung tahanan.

*******************
       ELISHA

"Good job Elisha, Gagawan kona din ng paraan na mawala agad ang news about sayo, Get rest  my shooting na ulit tayo bukas"

Tumango tango ako kay Manager kakatapos lang naming tumawag sa New Fm at gawa ng napag usapan ay iyon ang sinabi ko, Wala naman ng naging tanong ang iba at naniwala nalang ito kaya laking luwag para sa kagaya ko.
Rinig ko ang pag tayo ng taong kasama ko,
"Dito kana kumain manager"

"No, Thank you May usapan kami ng asawa ko" Binigyan nya ako ng ngiti, Tinugunan ko naman ito ng tango at umalis na. Hindi ko maiwasang ma konsensya imbis na family time nila ay nakuha kopa ang ilang oras sa kanya, Hays.
Napatingin ako sa kusina ang niluluto ko pala kaya mabilis kong tinungo ito.
Simpleng Menudo at Fried Chicken spicy at Brown Rice ang niluto ko, Inaantay ko nalang maluto ang sinaing at kumulo ang menudo.
Nasaan naba ang lalakeng yon? Baka mamaya kung saan na nag punta tapos kung anong pinag gagawa, Subukan lang talaga nya at kakalbuhin ko sya!

Ng maluto ay agad kong hinango at nag lagay sa mga pinggan para ihain ito sa lamesa. Tiningnan ko ang lamesa Dalawang pinggan ang inilagay ko, Teka! Pinag sisilbihan koba ang lalakeng iyon? Sa Inis ko ay agad kong kinuha ang isang pinggan at binalik sa kusina. Bahala sya sa buhay nya edi kumain sya mag isa bakit naman ako sasabay sa kanya diba?

Umupo nako at nag umpisang mag sandok. Pero  heto ako at nakatingin lang sa pagkain tila wala akong gana at nag aabang.
Napasabunot ako sa buhok ko, Inaantay koba ang lalakeng iyon? Argh! Elisha ano bang nangyayari sayo! 

Nakarinig ako ng mga yabag patungo sa kusina, Namalayan ko nalang ang sarili ko na sunod sunod ang subo sa kinuha kong pagkain, Hindi ko alam kong paano ko napag kasya ang pagkain, Ni hindi ko magawang nguyain dahil sa dami ng nasabibig ko.

Natigilan ako sa ginagawa ko ng matagpuan ko sya sa harap ko na takang taka, Sinusuri ako. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko ng makita ang itsura ko sa repleksyon ng lamesa, Shit! Nakakahiya ang daming kanin sa paligid ng bibig ko, meron nadin akong iilan sa damit pati sa lamesa ay nag kalat ang kanin.
Shit! Nakakahiya, Ang kagaya kong Si Elisha De Leon ganto kumain, Baka ibalita nya ito sa iba. Argh!

"Ayos ka lang ba?"
Rinig kong tanong nya.

"Manhahh myek ka-"
Mas natigil ako ng sa bawat bukas ng bibig ko ay nag lalaglagan ang mga pagkain sa bibig ko. Nakakahiya talaga. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo, Sa di ko namalyan ay ramdam ko ang panunuyot ng aking lalamunan, Nabagal ang aking pag hinga tila may pumipigil dito. Mabilis akong inubo at pilit inaalis ang nakabara sa aking lalamunan, Ramdam ko ang pag bagal ng Hangin nadumadaloy nito sakin, Dali dali akong tungo sa libabo at niluha doon ang mga pagkaing na stock sa bibig ko, pero hindi ang nasa lalamunan ko, Hinahampas ko nadin ang dibdib ko , Nawawalan nako ng Hininga
Nararamdaman ko na ang unti unting panghihina sakin, Naiiyak nadin ako sa sakit ng aking nararamdaman. Pero bago iyon ay laking gulat ko ng may mga kamay na pumulupot mula sa likod ko at ang malamig na bagay na dumampi sa aking uluhan, Hindi ko alam ang nangyari pero natagpuan ko ang sarili ko na dahan dahang bumabalik sa dati ang aking pag hinga, Gumagaan ang aking pakiramdam. Ramdam k0 ang pawis sa aking mukha at ang init ng katawan na nakadikit sa aking likudan at nakayakap sa aking bewang. Para akong sinisilaban sa init, Ng marealize ko ang aking pwesto tila may karera na nag uumapaw sa aking puso. 

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon