Chapter4: Eattogether

5 1 0
                                    


        OXOMON

Dahan dahan kong minulat ang aking mata, Napabalikwas ako ng bangon ng makita ang hindi pamilyar na lugar. Nilibot ko ang buong silid Puro puti ang gamit dito kahit ang damit ko ay iba na, Nasaan ang damit ko? Nasaan ako?
Napatingin ako sa lalakeng may edad na pumasok sa kwarto ko. Hindi naman ito sobrang tanda ngunit nasa 30's na ito.
"oh Your awake"
Binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Anong sabi nya? Ibang lenggwahe?
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Tanong muli ng lalake habamg naka tayo na sa tabi ng hinihigaan ko.
Sino ang lalakeng ito?
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?"
Tanong ko sa kanya. Dahil doon kita ko ang pag babago ng ekspresyon ng kanyang mukha.
"Nasa Hospital ka, Nabangga ka ng aking alaga And Im here to give a sincerely apo--"
Hindi kona narinig pa ang kanyang piang sasabi ng pumasok sa isipan ko ang kaganapan.
Muntik ko ng mAhuli ang isa sa mga fallen angel at maibalik sa dapat nitong kalagyan ng my isang bagay ang tumama sa akin. Nagising nalang ko ay nandito nako. Mabilis kong tiningnan ang kanang pulsuhan ko at napabuntong hininga ako ng makitang nandito pa ang relo ko.

nabaling ang atensyon ko sa lalake.
"Hey are you listening to me?"
Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya ano bang lenggwahe iyan? at mapag aralan para hindi nako mahirapan pa.

"Paumanhin, ngunit hindi ko maintindihan ang Lenggwaheng ginagamit mo"
Magalang kong saad sa kanya. Kita ko ang pag tigil nya at pag kunot ng kanyang noo. May mali ba akong nasabi? Hindi ba ganito ang pakikipag usap ?

"Haha, Napaka pormal masyado ng mga salita mo ijo, English ang lengwaheng ginamit ko, Hays mukang uulitin ko ulit ang sinabi ko kanina"
Napatawa naman ako ng kumamot ito sa ulo. English ? Hmmm matanong mamaya si Reilo tungkol dito.

"Patawad, Dahil ang alaga ko ang nakabangga sa iyo, ngunit kung mag sasampa ka ng reklamo ay huwag na sana itong umabot pa sa ganoon dahi-"

"huwag po kayong mag alala, Maayos naman po ang aking kalagayan at ang salitang patawad ay sapat na sa akin"
Binigyan ko muli sya ng ngiti.
Nakita ko ang pag pula at pag kamangha sa kanyang mukha, Bakit? May nasabi nanaman ba akong mali?

Di kalaunan ay ngumit din ito at tumango. May inabot sya sa aking isang bagay(paperbag)
"Nariyan ang mga damit mo, Maraming salamat sa pang unawa mo. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
Tiningnan ko ang bagay at natagpuan ang damit ko. Hays akala ko nawala na ito hindi ko pa naman gusto ang damit na suot ko ngayon ang nipis nipis nito. Sasabihin koba sa strangherong ito ang pangalan ko? Sabagay wala namang mawawala at isang kabastusan kong hindi ko ibibigay ang kanyang nais lalo nat hiniling nya ito sa maayos na paraan.

Magaran akong ngumito sa kanya.
"Ako po si OXomon"

*******************

    ELISHA

Nagdaan ang isang araw, ng matapos ang aksidenteng iyon. Nalaman koding nakalabas na ang lalakeng iyon kahapon. Hindi kona binalak pang bisitahin sya dahil madami akong ginagawa at isa pa hindi sya importanteng tao para pag aksayahan ng Oras. Hindi ko alam ang trip nya sa buhay at wala akong balak makisakay doon. Just fvk his self.

Pasalampak akong humiga sa kama, Kakatapos lang ng shooting ko. Sobrang Nakaka stress lalo nat nandoon ang isang demonyong hindi mawala wala sa landas ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sarili, Damn Im so tired but i cant just sleep with this set up.
kaya hinubad ko ang mga damit at tinungo ang banyo at nagbabad doon.

Pasado alasdose na ng gabi ng muli akong tamaan ng cravings ko, Shit come on.  Mumukat mukat akong tumungo sa damitan ko at nag palit ng maayos na damit hinagilap ko din ang mask st black hat ko to Hide my true i dentity.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon