Chapter 34: Mourning sorrow

2 0 0
                                    

Hindi alam ni Elisha kung paano sya naka uwi ng condo nya pag karating nya doon ay agad itong nag deretso sa kwarto ni hindi nya namalayan na wala na itong suot na sapin sa paa noong umalis ito sa Ospital kaya duguan ang talampakan nito pero wala hindi nya alam at wala syang maramdamang sakit dahil wala ng mas sasakit sa nararamdaman nya ngayon.

Ng masara nya ang pinto ay napadausos ito hanggang sa mapa upo na ito sa saheg, Kitang kita ang mga patay na mata ng babae habang patuloy sa pag tulo ng luha ang kanyang mga mata.

Bumalik sa alaala nya ang lahat na pag sasama nila lalo na ang una nilang pag kikita bilang isang mag katrabaho.

14 yrs old palang sya non ng mapunta sya pangangalaga ni Feldin ang manager nya.

"Hi dear Elisha"

pero hindi sya pinansin ng bata at tiningnan lang ito ng masama.

"Oh spoiled brat huh! Ako si Feldin your manager kaya wag mokong sinusungitan baka mag bago isip ko diyan!"

Pero hindi sya pinansin ng batang babae at nag tuloy tuloy sa tent nya.

Sa isip isip ng babae ay bakit lalake ang naging manager nya, Isa pa ay hindi sya sanay makipag halubilo. Dahil na rin sa pag kawala ng kanyang ina.

Sunod naman ay noong 16 yrs old na sila, Naabutan ng firstmenstration si Elisha halos mag kumahog si manager dahil sa takot ng makitang maydugo sa may pwetan ng bata.

Naiyak naman sa hiya si Elisha dahil sumigaw pa si manager para humingi ng tulong sa mga babaeng staff.
Isa yon sa mga hindi nya makakalimutang moments dahil napaka embarassing ng bagay na iyon.

Sunod ay ng ikasal si Manager, Nag selos sya non dahil may kahati na sya sa manager nya.
Pero nilambing sya ni manager kaya di kalaunan ay nag tawanan na rin sila.

ikaapat ay ang first heartbreak nya at ito ay kay jacob. Dinamayan sya ni manager hanggang maging okay sya,

"Its just a heartbreak it wont take your life."

"But I love him! "

"Yes you are but he left you, At hindi ibig sabihin non ay katapusan na ng buhay mo so grip yourself Elisha I know theres someone will love you with his whole heart and keep choosing you, pero habang hindi pa dumadating ang taong yon. Ako muna ang mag eestay at hindi mag sasawang piliin ka. Kahit napakasama ng ugali mo"

"Hinding hindi kita iiwan, Alaga kita ei! Baby damulag hahaha"

Saad ni manager sabay gulo sa buhok ng dalaga.

Marami pang alaala ang dumausos sa utak ng babae, Hindi mag kamayaw sa pag labas ang masasagana nyang luha. Napahawak ito sa kanyang dibdib dahil naninikip ito sa sobrang sakit unti unti naring lumalakas ang hikbi ng dalaga.
Dahil hindi nya matanggap ang pag kawala ng tinuring nyang pamilya, Parang kanina lang ay kausap nya lang ito at nayakap pero sa isang iglap lang ay wala na to.

Sinapo ng babae ang kanyang mukha gamit ang dalawa nyang kamay at dinamdam ang hinanakit nya.
Ramdam na ramdam nya ang pag iisa dahil kahit sumigaw sya ay walang makakarinig sa kanya dahil mag isa nalang sya, lalo na ngayon.

Hindi namalayan ni Elisha ang pag angat nya nagulat ito at napatigil sa pag hikbi lalo na ng mag tagpo ang mata nilang dalawa.
Naramdaman ng babae ang malambot na kama at agad namang lumuhod si Oxomon para tingnan ang paa ito na dumudugo.

Hinawakan ito ni Oxomon at pinag liwanag nya ang kanyang mga kamay para pagalingin ang sugat nito.
Samantala ang babae ay tahimik lang na pinag mamasdan ang ginagawa ng kanyamg mahal, Hanggang sa matapos sa pag gagamot ang lalake ay nakatingin lang ito sa kanya.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon