Chapter 25: Talk

2 1 0
                                    


       Dahil narin sa mga nangyari at sikat padin ang Issue na kinasangkutan ko ay Nag bakasyon mona ako sa trabaho, 2 Buwan na pahinga bago ulit ako tumanggap ng mga project. 
Kaya ito ako ngayon bored na bored habang kumakain ng pop corn, Damn!

"Im so bored!"
Nasaan ba kase si manager? Dapat pala tumanggap na ko ng mga project kesa naman ang maburyo ako sa bahay na ito.
Si Oxomon naman, Napabuntong hininga ako. Ilang araw nadin ang nag daan matapos ang nangyari samin, Sapul non ay hindi na kami halos nag  kikita halos hindi na nga umuuwi ei, Ni hindi ko maka usap ng matino pag tinatanong ko kung saan nag pupunta ang sinabi nya lang "Misyon" Tsk. Ano ba misyon non? Hindi naman sya ganto dati ah, Bat parang iba ata ngayon.
Iniiwasan nya ba ako? Pero bat naman nya ako iiwasan.

Nagulo ko nalang ang aking buhok dahil sa mga na iisip ko! Argh! understand her Elisha! Remember wala kang karapatan ok?

Pero the Heck! Ano naman ang gagawin ko dito? Baka mag ka ugat nako nito.
  Hinagip ko ang cellphone ko at tinawagan si manager naka tatlong Ring bago ito sumagot.

"Where are you?" I said.
"Wow ha, Wala man lang hello, House why?" 

Napabuntong hininga ako, Sorry nalang manager pero bored na talaga ako ngayon kaya iistorbuhin ko nalang sya muna.

"Can you come?"
"Why? Theres something happened?"

Umiling naman ako, na para bang nakikita nya ako.

"Nothing, Im so bored wala akong maka usap dito Manager kunting kunti nalang mag kakaugat nako dito!"

Hiniga ko ang sarili sa malambot na sofa habang inaantay ang sagot ni Manager.

"Hahaha,Asan si Oxomon?Sya ang kulitin mo wag ako"
Napa irap ako sa ere.
"Ewan ko don! Dali na manager pleaseee also bring My fav. Foods okay? Can you? pleaseee"

Natawa ako ng marinig ang buntong hininga nya sa kabilang linya.

"Fine! "
"Oh thanks, Ingat bye"

*******************
       OXOMON

Tahimik naming pinakiramdaman amg paligid, Nasa loob kami ng isang napakagandang silid, Sabi ni Reilo isang Hotel daw ito.
Rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa isang bahagi ng silid at alam kong naliligo ang taong pakay namin kaya nandito lang kami sa loob at inaantay syang makalabas.  

   Maya maya lang ay dahan dahang naming narinig ang pag bukas ng pintuan kaya pinaglaho namin ang aming mga sarili. Pinag bihis lang namin ito  at hindi na kami nag aksaya ng oras at muling tinungo ang silid doon.

 
"Sino kayo? Pano kayo nakapasok dito? Tress pass-"
Natigil ang kanyang pag sasalita ng mag tagpo ang aming mata. Tingin ko ay na mumukhaan na nya ako dahil nag karoon ng kakaibang takot sa kanyang mukha.

"I-ikaw?"
"Oo ako nga, Naka takas ka ng una pero hindi kana makakatakas ngayon"
Saad ko dito. Sya ang babaeng una kong nakita noon sa building na pinag tatrabahuhan ni Elisha, Pero nakatakas ito dahil narin kay Elisha.

"Hindi ako sasama sa inyo"

Naging matapang amg boses nito, Hindi ko rin mabasa ang nasa isipan nya dahil pilit nitong kinakalaban  ang pag pasok sa utak nya.

"Hindi ito ang pinag mulan mo, Kaya nararapat lang na bumalik ka sa iyong tahanan"

Saad naman ni Reilo, Pero mas naging matapang ang itsura nito. Binalak nyang tumakbo pero agad kong sinara ang lahat ng pwede nyang labasan. Kaya napako ito sa kanyang kinatatayuan.

"Hindi ka namin nais na saktan kaya wag ka ng manlaban pa, Sumama ka ng matiwasay"
Saad ko naman dito. Matagal din nakipag sukatan ng tingin ang babae pero
Hindi nag tagal ay prente itong umupo sa kama.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon