Chapter 43: Awake

3 0 0
                                    

 
  "Anong nangyayari?"
Napakunot ang noo ko ng unti unting nag lalaho na parang abo ang mga diaboli.
Anong nangyayari sa kanila? Nasara naba ang lagusan? Pero imposible hindi ko pa nahahanap ang isang peccatum.
Anong nangyayari sa kanila?

Hanggang sa tuluyan na silang nag laho, naiwan kami ni Reilo na nag tataka. Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit tahimik lang ito kasabay ang sariwang hangin sa kailaliman ng buwan.

"Bakit bigla nalang sila nag laho Reilo?"
Lingon ko sa kaniya pero si Reilo ay nakahawak sa kaniyang noo na tila nag iisip.

"Hindi ko alam, maaaring may namakealam sa lagusan o hindi kaya nakagawa ng paraan si pinuno"

"Hindi nya ba sinabi sayo?"
Umiling lang si Reilo.
Napabuga ako ng hangin saka nag umpisa ng mag lakad palayo.

"Balitaan moko Reilo kung anong nangyayari"

"Sige" saad nya at pinag laho na ang sarili.
Hindi ko alam ang nangyari pero maayos na din dahil matitigil na ang pangugulo ng mga diaboli ang hindi ko lang maintindihan sino at pano nangyari to?

Pinag laho ko ang aking sarili at kusa akong dinala ng aking isip sa tahanan ni Elisha.
Hanggang ngayon sariwa padin sakin ang nangyari samin sa lugar na puno ng mga bulaklak, hanggang ngayon ang bigat bigat padin ng aking kalooban.

     Napakatahimik ng paligid, madilim at ni walang ilaw ang bukas.
Wala ba si Elisha dito? Tumungo ako sa kwarto nya ngunit wala akong nakitang Elisha, kung hindi ang kamang malinis na tila hindi pa nagagamit.
   Nasaan sya? Saan pupunta si Elisha ng ganitong oras?

Isa lang naman ang taong maari nyang kasama ngayon, at si Sicorr yon.
Agad kong pinaglaho ang sarili at tinungo ang tahanan nya. Naabutan ko syang natutulog sa sofa nya kaya nilibot ko ang paligid ang buo myang tahanan pero walang Elisha akong nakita.
Kung ganon wala si Elisha dito. Kung ganon nasaan sya? Masyado ng gabi baka kung mapano ang babaeng yon.

Pinaglaho kong muli ang aking sarili
At bumalik ako sa Tahanan nya, napasapo ako sa aking mukha.
Argh! Nasaan na ba ang babaeng yon baka mamaya kung mapaano na sya.
Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya.

   Hindi rin naman ako mapapakali kaya pinag laho kong muli ang aking sarili at inumpisahan na syang hanapin sa lugar na maari nyang puntahan.

*************

    Parang may kuryenteng tumama sa buo kong katawan na nag hatid sakin sa kakaibang sakit kaya mabilis akong napabalikwas ng upo.

Nang maigala ko ang aking paningin sa paligid ay agad akong nakaramdam ng kaba.
    Bakit nandito ako?
Mula sa kadiliman at patay na lugar na ang tanging makikita lang ay ang mga punong patay na tinutupok ng nag lalagabgab na apoy, saan man ako tumingin ay yon lang ang aking nakikita.

Napakainit, napakatahimik, nakakasakal, nakakatakot, nakakamatay.

Napa atras ako ng  ang maliit na bilog na apoy na nasaharap ko ay biglang lumaki hanggang kasing laki at lawak na ito ng puno.

Napalunok ako.
Bakit nandito ako sa lugar na to?

    "Maligayang pag babalik munting angel hahahaha"

Angel?

"S-ino ka?!"
Muli itong tumawa na nag hatid sakin ng kakaibang takot.
His voice is like a huge and from a grave hollow.

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?"
Napakunot ang noo ko, anong regalo ang sinasabi nya?

"Hindi bat naaalala mo na ang lahat? Hindi kaba natutuwa sa regalo ko sayo? HaHahHah"

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon