Chapter 28: Fainted

1 0 0
                                    

     
       Naka ilang ikot na ako sa kama, Pinilipit kong makatulog pero ayaw talaga akong pag bigyan ng antok. Tinanggal ko ang kumot at hinagis sa lapag, Muli kong pinilit maka tulog pero wala pa din.

"Shit"
Pasalampak akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto, Iinom nalang siguro ako ng gatas anong oras na ba? Agad kong hinagilap ang cellphone ko para tingnan ang oras.

1:23 am na?! Gosh halos wala na akong matinong tulog ah. Nang buksan ko ang ref. ang inaasahang komg gatas ay wala ng laman. Total hindi rin naman ako makatulog siguro lalabas nalang muna ako wala rin naman akong gagawin sa dito.
Muli akong bumalik sa kwarto para mag bihis sinuot ko ang fav. kong itim na sombrero at itim na face mask.

Hindi Na ko nag sasakyan dahil marami namang 24hours na kainan dito sa gilid gilid ng condo ko ei saka masarap din mag gala lalo na at madaling araw, Walang masyadong maingay at dim lang ang light isa pa ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.

Pumasok ako sa unang nakita kong convenience store, May iilang tao pero halatang may mga sariling mundoang mga ito kaya hindi nako nabahala, Kumuha lang ako ng Brown coffee at Fried Shiopao umupo ako sa pinaka gilid at doon nilantakan ang pagkain ng maaubos ko ay muli akong kumuha pero this time isang rootbeer at isang hot and spicy noodles muli akong bumalik sa kinauupuan ko. The best talaga ang tandem ng dalawang to pag ganito ang panahon nakakagaan ng pakiramdam.

Gusto ko pa snaang magtagal kaso baka manaba nako neto hindi pa naman ako nakaka pag exercise nitong mga nakaraang araw.
Lumabas ako ng con. store at tinahak ang daan pabalik sa condo ko, Pero hindi pako masyadong nakaka layo ay nakarinig ako ng lagabog sa gilid ng convenience store na kinainan ko, Madilim sa parteng iyon pero maaninag mo ang a figure ng tao. Tsk siguro may nag aadik nanaman don, Piniling ko ang aking ulo at tumalikod na ngunit muli akong napahinto ng makarinig ng impit na sigaw mismo sa lugar na iyon. Nilinga linga ko ang paligid kaso walang nadaan kung hindi ang mga taong nakain sa loob.
Damn!
Bahala na nga.

Dahan dahan akong lumapit sa figure na iyon hanggang sa makarating ako sa malaking basurahan at doon itinago ang sarili.
Got it Elisha sisilip kalang ok? Pag hindi maganda ang nangyari saka ka humingi ng tulong baka kase mamaya nag chuchukchakan lang tong mga to argh!

Inangat ko ang aking ulo sapat lang para makita ang nangyayari sa parteng iyon at halos maubusan ako ng hininga ng makita ang kababalaghang nangyari sa isang lalake, May lumalabas na itim na usok sa kanyang Bibig at ilong at sa bawat pag labas ng usok ay ang unti unting pag tuyo ng kanyang mga balat, Hindi ko magawang kumilos sa aking nakikita bumilis din ang tibok ng aking puso lalo na ng tuluyang bumagsak ang wala ng buhay na katawan nito. At ang pag litaw ng itim na usok na walang mukha kundi usok lang pero isang figure ng tao ang kaibahan lang ay may sungay ito.

Ano ang bagay na to? Natakpan ko ang bibig ko sa takot na makagawa ng ingay, Muli kong tiningan ang bangkay nakaka takot ang itsura nito, Nakabukas ang mata at bibig nito.

Anong gagawin ko? My gosh! Ano ang bagay na ito? yang bagay na yan ang dahilan ng pangyayari sa mga tao dito kaya pala walang naisagot ang mga doktor ito pala ang dahilan. 

Napa igtad ako ng may dagang lumapit sa aking paahan, Gusto ko itong alisin ngunit natatakot akong makagawa ng ingay. Damn pano ako ako makaka alis dito? Silipin ko kaya ulit baka mamaya wala na ito.

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo para makumpira kung naandon pa iyon  Pero labis akong nagulat ng makita ang Mga mata nitong kumikinang na kulay pula na nakatingin sa direksyon ko.

Im doomed! Nakita nya ako!

"Isang binibini, Nagustuhan mo ba ang aking palabas?"

Authomatic na nag taasan ang aking balahibo ng marinig ang boses nya, Wala itong bibig kaya pano ito nakaka pag salita?
Damn!
Hindi nako nag aksaya ng oras at mabilis na kumaripas ng takbo, Rinig ko pa ang nakakatakot nitong tawa, Takbo lang ako ng takbo hindi kona alam kong saan ako nag susuot ang mahalaga ay makalayo ako sa kanya.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon