Chapter 48: Last Day

3 1 0
                                    

 
      Walang buhay na nakatulala si Elisha sa kaniyang kwarto habang paulit ulit napumapasok sa utak niya ang itsura ni Oxomon, ang nasasaktan nitong mukha at pagsusumamo nito para sa kanya.

    Agad naglandas ang luha ng dalaga napatingin siya sa kaniyang  kanang kamay, nagbuga lang ito ng hangin at linuha ang kutsilyo na nasa side table nito.
  Pikit matang sinugatan ng dalaga ang kaniyang kanang palad doon naglabasan ang masagang dugo. Hindi na siya nag aksaya ng panahon at agad niyang pinalibutan ang sarili gamit ang kaniyang dugo, habang lumuluha ay patuloy siya sa pag dadasal na naaayon sa ritwal.

   Ilang saglit lang ay dinala na si Elisha sa kakaibang mundo, mundo na puro kadiliman walang hanggang pasakit at kalungkutan.

    Hindi nabigo ang dalaga dahil sa pag mulat ng kaniyang mata ay lumitaw ang napakalaking naglalagablab na apoy gayon din ang mga patay na puno ay unti unting nasisindihan ng mga apoy.

Sa wakas nakipag usap na sa akin si Diverio

Una agad na bumungad sa dalaga ang nakakahindik at tindigbalahibong tawa na nanggagaling mula sa naglalagablab na apoy.

    Patuloy lang ang luha ng dalaga habang pinagmamasdan ang sumasayaw na apoy.

  "Buti naman at nag pakita kana" walang buhay na saad ng dalaga.

Tumawa ulit ang demonyo

"Mag papakita naman talaga ako, hinihintay ko lang ang tamang panahon para kausapin ka"

Napakalagong ng boses nito na animoy hinukay sa napakailalim ng lupa.

  "At ito ang araw na iyon, Handa na kaba? HaHaHa"

  Napayukom ang kamao ng dalaga habang patuloy sa paghihinagpis ang sarili.

              Ito naman talaga ang kahihinatnan ng lahat, ang mali ko lang ay nakipag kasundo ako sa demonyo nabulag ako sa pag mamahal na naging sanhi para makagawa ako ng maling desisyon at ngayon pag babayaran ko ito, wala na akong balak tumakas pa, tama nang isang beses ko nalang ito ginawa.

  Tumango ang dalaga na para bang nag hihintay nalang siya ng kaniyang katapusan, pero parang tanga na muling tumawa ang apoy na nag echo sa walang hanggang kadiliman na lugar.

  "Kukunin ko lang ay ang kaluluwa mo at hindi ang iyong katawan"
Saad nito.

Kaya napatunghay ang dalaga.

"Anong ibigmong sabihin?"
Matamlay parin ang boses nito dala narin sa mga napagdaanan niya tila tinakasan na siya ng enerhiya sa katawan

   "Patayin mo ang iyong sarili ng saganoon ay maging malinis ang lahat"

Napatunganga ang dalaga, tila echo na nag paulit ulit sa kaniya.

  "B-akit hindi mo nalang kunin sa sarili mong paraan bakit kailangan pang ako mismo ang kumuha ng buhay ko?"

Muling tumawa ang apoy.

"Wala akong karapatang pakealaman ang katawang iyan, pero ang kaluluwa mo meron. Isa pa para maging balanse sa pagitan natin at ng mga mortal na tao, alalahanin mo hiram lang yang katawan mo HaHaHa"

Natahimik ang dalaga, naiintindihan niya ang nais sabihin ng demonyo, kailangan niyang patayin ang kaniyang sarili ng saganoon ay hindi na maghalungkat pa ang taga mortal na tao.

     Pero kung hindi ko patayin ang aking sarili makakatakas ba ako sa demonyong ito?

"Alam ko ang tumatakbo sa isip mo, balak mo nanamang takasan ang iyong problema? Hahahaha nakakatawa ka, napakaduwag mo talaga, hindi nako nag tataka kung bakit ka humantong sa ganito"

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon