Chapter 42: Past II

3 0 0
                                    


*******
  Inabot na ng linggo, buwan ang pag sasama ng dalawa at sa hindi inaasahan ay tuluyang nahulog ang loob ng lalake kay Averia kahit pa hindi nya ito nakikita.
  At ngayon ang Araw ng pag oopera sa kaniya dahil naka kuha ng donor ng mata para sa kanya. Agad isinagawa ang pag oopera sa kaniya kaya tahimik lang na nag hihintay si Averia sa labas ng Operating Room.

       Dahan dahang tinatanggal ang tela na nakatakip sa bagong operang mata ni Franco habang ang mommy at si Averia ay nag hihintay lang.

Hindi mag kamayaw ang saya na nararamdaman ng babae dahil kahit papano ay alam nyang magiging masaya ang lalake kapag bumalik na ulit ang kakayahan nitong makakakita.

Natanggal na ang buong tela ngunit naka pikit parin ang mata nito, hanggang sa sinabi ng doktor na imulat na nya ang mata nito.

Sa unang tingin nito ay blured parin ang kaniyang paligid, kaya muli nyang pinikit ang mata at sa muling pag mulat nito ay dahandahang lumilinaw ang kaniyang paligid.
Hindi mag kamayaw ang saya ni Franco lalo na ng makita nya ang mommy nya.

  "M-ommy"

"Oh Gadd, nakikita mona ako?"
Maluha luhang saad ng ginang.

Ngumiti ng mapait si Franco at tumango, sunod nyang tiningna nag babaeng hindi kalayuan sa pwesto ng kaniyang ina.
Kitang kita ang pag aalala sa mukha ng babae, hindi maiwasang mapatigalgal ni Franco dahil sa angking kagandahan ng dilag na kaharap nya.

"A-veria?"
Napangiti si Averia at tumango dito.

Lumawak ang ngiti ni Franco ng sa wakas makikita na rin nya ang kagandahan ng babaeng minamahal nya.

********
   "Flowers?"
Napalingon si Averia kay Franco na may dalang bulaklak, agad naman niyang tinanggap ito at inamoy amoy pa.
Nandito sila sa napakagandang garden, napunong puno ng ibat ibang klase ng bulaklak.

"Salamat dito Franco"
Ngumiti ng matamis si Franco sabay halik sa pisnge ng babae, na labis na ikinagulat ni Averia.

"F-ranco bat-"

Hinila ni Franco patayo si Averia at dinala sa dagat ng mga bulaklak.

"Anong ginagawa mo?"
Humarap sa kaniya si Franco at hinawakan ang mag kabilang kamay nito.

  Nagawang lagyan ng isang pulang bulaklak ang kaliwang tenga ni Averia habang hindi maalis ang ngiti sa labi ng lalake.

"Your so beautiful Averia"
Ngumiti naman Si Averia dahil sa sayang nararamdaman nya.

Muling nag katitigan ang dalawa.

"Ah, F-ranco"

"Alam mo ba kung gaano ka lungkot ang mundo ko noong wala ka? Hindi mo alam kong paano mo ako binago, kung paano mo ako inahon sa lungkot, kung paano mo ako napasaya. At sa bawat araw na yon Averia lumalalim ng lumalalim ang pag mamahal ko sayo umabot na sa puntong lunod na lunod na ako"

Tahimik lang na nakikinig si Averia pero sa loob loob nya sobra syang natutuwa dahil parehas sila ng nararamdaman.

"Mahal na mahal kita Averia, hindi ko kakayanin kung wala ka sa buhay ko, baka maging madilim ulit ang mundo ko"

Nag titigan ang dalawa, kapwa nakikiramdam sa isat isa. Walang masabing salita si Averia kung hindi ang masasaganang luha na lumalabas sa kaniyang mata.

"Averia? Mag salita ka naman oh, kinakabahan ako sa pananahimik mo ei"
Nagawa pang mag maktol ng lalake kaya natawa ng kaunti si Averia.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon