"Arghhh!!! Bakit ba ayaw mo akong kausapin?!"Para ng baliw si Elisha habang naka cross sitting position ito sa saheg ng kaniyang kwarto.
Pangalawang ulit na nya sa ritwal pero hindi parin sumasagot si Diverio sa kaniya.Sa pangatlo ay muli nyang inulit ang ritwal, kahit nang hihina na ang katawan nya ay gumuhit parin sya ng pabilog sa kanyang pang libutan gamit ang sarili nyang dugo.
Dumudugo na rin ang ilong ni Elisha habang binibigkas ang dasal sa ritwal,
Sinusubukan nya ulit komonekta dito.
Hanggang sa makarating na ang babae sa purong kadiliman ngunit purong kadiliman lang ang nakikita nya walang apoy."Ahhhhhh! Mag pakita ka! Kausapin mo ako?!"
Ang boses nito ay nag eecho lang sa walang katapusang kadiliman.
"Diverio! Mag pakita ka? Kausapin moko! Mag pakita ka saakin! "
Pero gaya kanina ay wala paring sumasagot, para lang siyang nangangapa sa dilim.
Ramdam na ramdam nya ang panghihina ng kanyang katawan, lalo na at ramdam parin nya ang dugo sa kaniyang ilong.
Nag landas ang masasaganang luha, samo't sari na ang emosyong nararamdaman ko ngayon.
Pagod na pagod nako, ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Gusto ko ng umalis sa mundong to."Lumabas ka! Mag pakita ka sakin! Kausapin mo ako?!! L-umabas ka!"
"Lumabas ka!!"
Kitang kita ang hinagpis ni Elisha habang walang habas na nag sisisigaw ang babae kahit wala namang balak maki pag usap sa kanya ang nais nitong kausapin.
Kahit halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ni Elisha ay patuloy parin sya sa pag tawag nito.
Hanggang may naramdaman si Elishang malamig na bagay sa kanyang braso, bigla syang nahulog sa malalim na balon at muling pag mulat ng kaniyang mga mata ay dumungaw sa kaniya ang kesame ng kaniyang kwarto.
*********
Anong nangyari? Habol ko ang aking hininga habang pinapakiramdaman ko ang aking paligid, wala nakong lakas halos ubusin ko na ito para lang maka usap si Diverio pero hanggang ngayon hindi parin nya ako kinakausap.Ramdam na ramdam ko ang kabog ng aking dibdib, ang pagod sakit ng ulo at katawan ko.
Ngunit halos huminto ang puso ko ng dumungaw sa harap ko si Reilo.
Napabalikwas ako ng bangon kaso lang mabilis akong napahiga ulit sa sahig dahil nag ining ang buo kong paligid."B-akit ka nandito?" Sa nag hihingalo kong boses ay nasabi ko iyon sa kaniya.
Hindi ko narinig ang sagot nya bagkus ay binuhat nya ako akala ko kung anong gagawin nya ng maramdaman ko ang malamig na kama.Mas domoble ang kaba ko ng nakatingin parin ito sakin na may pag tataka. Kahit nanghihina ang katawan ko ay nakipag titigan parin ako sa kaniya. Nakita nya ang ginagawa ko nakita nya.
"Bakit mo ito ginagawa?"
Pag sisimula nito. Sabi ko na nga ba alam nya ang ginagawa ko."Umalis kana" saad ko dito
"Bakit ka nakikipag usap kay Diverio? Sabihin mo sa akin nag totoo"
Napaka seryoso ng boses nito kaya mas kinakabahan ako baka mamaya sabihin nya ito kay Oxomon."wala akong dapat ipaliwanag sayo, Umalis kana"
Pero parang wala itong narinig.
"Nakipag kasundo ka kay Diverio tama ba? Bakit?"
Nag landas ang luha saking mga mata habang sinasabayan ko ang pag titig nya. Kahit hirap na hirap ako, ay pinilit kong maka upo at sumandal sa board ng kama.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT