Mas binilisan ko ang pag takbo para maabutan ang lalakeng nag lalakad papasok sa loob ng gusali na pinag tatrabahuhan ngayon ni Elisha."Sandali!"
Pero tila wala itong marinig at patuloy padin sa paglalakad kaya wala nakong ibang magagawa kundi ang pag lahuin ang sarili ko, Hindi naman kadamihan ang tao ngayon e,
Sa muling pag mulat ng aking mata ay kita ko ang panlalaki ng mata ng lalakeng kaharap ko ngayon.Napa atras ang lalakeng naka all black at may cap na itim, Kita ko ang pag guhit ng takot, Galit at hinanakit sa kanyang mga mata.
"S-Sino ka?"
Tanong nito, Pinanatili kong tahimik ang aking sarili at humakbang papalapit sa kanya, ngunit sa bawat hakbang na aking dala sya namang atras nito."A-anong kailangan mo?!"
Muli nitong saad pero ngayon, ay hindi nya sya muling umatras, Kaya pinanatili kona din ang aking sarili. Nilibot ko ang tingin sa paligid nandito kami sa walang taong parte ng gusali, isa sa mga lagusan patungo sa Silid na kinbibilangan ni Elisha."Ang pag takas ay hindi solusyon, bagkus mas dinadagdagan nyo lang ang inyong kasalanan kay Ama"
Pag kasabi ko nito, Ay tila na ngibabaw ang takot sa kanyang mukha. Mukang kilala na nya ako kung sino at ano ako. Hindi ako agad nakagalaw ng mabilis itong tumakbo, Balak ko na sanang mag lahuin ang sarili ko kaya lang ay napatigil ako dahil sa biglang daan ng iilang mga tao, Kaya wala akong nagawa kung hindi tumakbo at habulin ang lalakeng iyon. Sinusundan ko ang arko kaya panigurado akong paakyat ito ngayon, Huminto ako sa pag takbo ng makitang wala ng gaanong tao, at mabilis kong pinaglaho ang aking sarili patungo sa kanyang harapan.
Tila nagulat naman ito at balak ulit tumakbo ngunit mabilis ko itong nahawakan at sabay pinaglaho ang aming mga sarili.Tiningnan ko ang paligid, nasa pinaka tuktok kami ng gusaling kinabibilangan ni Elisha. Muli kong tiningnan ang braso ng lalakeng hawak ko at mabilis itong pinaluhod.
"Ang pag tatago ay may hangganan, At ito ang iyong katapusan"
Mariing saad ko dito, ngunit binigyan nya lang ako ng masamang titig."Hindi ito ang katapusan, hindii! "
Napabuntong hininga nalang ako at tinawag si Reilo. Para ipadala na ito sa nakakataas. Agad ko naman itong nilagyan ng Rope pAra hindi na ito makatakas pa."Hanggang ngayon palaisipan sa akin kung bakit kayo nag taksil,Lalo kana Heri "
Nakita ko ang saglit nitong pag kagulat. Si Heri ay kasama ko sa bawat misyon noon at sabay kaming nag sanay kaya masasabi kong naging malapit na sya sakin at tunay na nakakapanlumo ito.
" Hindi mo alam ang dahilan pero heto ka at pilit kaming pinag hahanap!"
Mariin akong napapikit at sa muli kong pag mulat ay natagpuan ko si Reilo na nasa likod na ni Heri.
"Dahil mali ang tumakas sa tungkulin Heri! Mali ang ginawa nyo, Mali ang gin-""Alam ko, alam ko Oxomon, Pero ito lang ang paraan para makatakas ako sa kadiliman, sa kaparusahan!"
"Hindi mo dapat ginawa iyon Heri, Hin-"
"Kunin nyo nako"
Huli nyang binanggit mula sa mahinangong boses. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya, Kung sana ay napigilan ko sya noong araw na iyon, kung sana ay sinamahan ko sya ay maayos ang lahat Hindi sya makakagawa ng kasalanan na habang buhay nyang pag babayaran.
"Alam kong darating ang panahon na hahanapin nyo kami, Hindi ko lang inaasahang mapapaaga ako"
Isang tango ang sinaad ko kay Reilo bilang pag saad ng dapat nyang gawin. Kitang kita ko ang dahan dahang pag pikit ni Heri habang nilalagay ni Reilo ang kanyang daliri na nag liliwanag sa noo nito.
Hinakbang ko ang aking paa patalikod at balak ko nng umalis ng makaramdam ako ng kakaiba at narinig ko nalang ang pag lagabog.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT