Chapter 24: Rise

1 1 0
                                    


        Napapangiti ako habang pinapanood ang balita ngayong gabi, Tungkol ito sa kinalabasan ng kaso at ang pag labas ng katotohanan, Panay ang hingi ng tawad ng mga fans ni Liana at Nag anti Fans ko dahil sa maling hinala. Panay din ang tunog ng aking cellphone dahil panay ang tawag ng mga direktor na tumanggi sakin, Pero hindi ko sila sinasagot kahit isa.

"Your Trending on twitter Elisha.
#SorryElishaDeLeon
#Elisha'sWin"
Ssad ni Manager.
Napataas ang aking kilay, Really? Kahit kilan ang pa plastic nila, Sino ngayon ang napahiya hindi bat sila? Hinuhusgahan agad nila ako ng walang patunay at hindi alam ang totoong kwento kaya hindi umuunlad ang pilipinas sa dahil sa mga nakatirang makikitid ang utak dito.

"Plastic!"
Saad ko habang patuloy na Sinisipsip ang wine na hawak ko, Dahil kailangang iceleb. ang bagay na ito.

Agad napawi ang ngiti ko ng lumabas ang mukha ni Dad at Loraine sa Tv.
Napabuntong hininga nalang ako dahil dito, Kahit ako ay nabigla ng malaman kong may affair sila ni dad, Ni hindi ko nahalata na mayroong silang relasyon. Now I know kung bakit nasabi ni Liana ang bagay na iyon. Well dahil sa relasyon namin hindi na ako masyadong na aapektuhan sa naging resulta dapat lang yon sa kanila! Lalong lalo na ang loraine na yon, Hindi ko akalain na napaka sukdulan pala ng Sama ng ugali ang taong yon. Anak ni satanas, At ako pa ang balak idiin sa bagay na sya ang may gawa? Tsk. Akala nya hahayaan ko sya? No way! No one can drag me.

Hindi kona tinapos ang Panood at pinatay ang tv, Napatingin ako sa dalawang taong tumulong sa akin.

"Thank you Manager. Really Really thank you, kung wala ka Baka nakakulong nako ngayon"
Pero nginisian lang ako ng loko, Damn him kung alam nya lang kung gaano akong ka swerte at kasaya dahil kasama ko sya ngayon.

"And Also for you Oxomon, Unexpected ko ang pag tulong mo, Pero sobrang Thank you. Kung hindi dahil sayo wala tayong nalaman. Thank you so much"

Pero tumango nalang ang lalake.
Tumayo ako at tumabi sa kanila, Umupo ako sa kanilang gitna.

"Lets Celebrate! cheers"
Pinag tama namin ang aming mga baso at masayang nag tawanan at kwentuhan.
Gosh Kung hindi dahil sa dalawang to hindi ako magiging malaya at lalabas ang totoo. Especially Oxomon, Akala ko hindi nya ako tutulungan pero heto sya, He even use his Freaking powers. Buti nalanghindi na nag tanong pa si Manager kung paano naalaman ni Oxomon ang mga bagay na yon.

"I get some Ice cubes naubusan na tayo haha"
Tumango ako kay manager at ngayon kami lang ni Oxomon ang naiwan sa Sofa.

Kanina ko pa gustong itanong to sa kanya ei siguro ito na ang panahon hindi nako makapag intay.

"Oxomon?"
"Hmmm?"
"Bakit moko tinulungan? Akala ko ba hind-"

"Kase gusto ko. Kase Angel ako kasiyahan ko ang tumulong sa tao"
Saad nito na hindi tumitingin sa akin. Napangiti ako kahit hindi yon ang gusto kong marinig sa kanya. Atleast He did the best part and Im thankful for it.

"Salamat Oxomon, Salamat"

Hindi kona napigilan ang aking sarili at mabilis kong pinilupot ang Aking mga braso sa kanya at Niyakap sya Ramdam ko ang paninigas ng katawan  nya. Hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin to, baka dahil sa Wine na ininom ko, I guess I need to thanks the Wine Also.Kaya napangiti ako lalo. Hmmm May kakaibang dating din naman pala ako sayo ei pakungwari kapa.

Ilang sigundo rin kami sa ganoong pusisyon, Tahimik lang kaming dalawa nag aantay akong mag react pero nakatunganga lang ang kupal, Napaka Imposible talaga ang lalakeng ito.
Naputol ang aming pag yayakapan ng tumunog ang Doorbell, Hindi kona sana papansinin ng nag tuloy tuloy ito tila galit na galit.
Mabilis kong hiniwalay ang sarili kay Oxomon. Asan naba si Manager? Kukuha lang ng Yelo pero hindi na nakalabas sa Kusina. Kainis

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon