Inaayos ko ang hood ko upang hindi makita ang aking mukha, kagagaling ko lang sa convinience store para bumili ng mangangata. Nandito ako ngayon sa park at napaka tahimik ng paligid dahil wala ng tao ng ganitong oras.
Pasado alas onse na ng gabi, pero heto ako at gising na gising parin. Nakakatakot ng matulog baka mapanaginipan ko naman iyon and worst baka may mas malala pa. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kong bakit na nanaginip ako ng ganong bagay para silang mag kakasunod na kwento isang alaala ang ipinapakita sa panaginip ko. Pero bakit?Binuksan ko ang mainit pang kape at dahan dahan itong ininom. Napakasarap sa pakiramdam ang uminom ng kape sa ganitong panahon.
Ilang minuto rin akong nag tagal doon sa upuan hanggang sa naisipan kong mag lakad lakad, may mga ilan ilan akong taong nakikita parin sa ibat ibang bahagi ng park.
Nakakainggit ang mga jowang nakikita ko ngayon, ang sweet sweet nila parang wala silang problema. Malaya nilang na ipaparamdam sa isat isa kong gaano nila kamahal ito.Sana ganon din kami ni Oxomon pero hindi, at alam kong hindi mangyayari. Napabuga ako ng hangin at tinuloy ang pag lalakad. Hanggang napahinto ako sa masukal na bahagi ng park, ang mga gamit doon ay sira sira na at makalawang na ang mga swing at sisaw.
Meron palang ganitong parte sa park na to, nakakalungkot ang atmosphere sa lugar na to halatang napabayaan dahil sa matataas na damo.
Babalik na sana ulit ako ng makarinig ako ng kaluskos sa dulong bahagi ng lang parke. Napabuga ako ng hangin baka pusa lang yon kaya tinuloy ko ang pag lalakad papalayo.Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay parang may mabilis na hangin ang dumaan sa aking likod kaya mabilis ko itong nilingon, pero wala akong nakita kung hindi ang mahahabang damo, muli ko itong naramdaman sa likodan ko kaya muli kong nilingon pero wala padin.
Nakaramdam ako ng takot kaya mas pinili kong mag lakad ng mabilis, dahil unti unti na akong nilalamon ng takot.
Ramdam kong parang may sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang pag lalakad.
Ang lakad ay nauwi sa pag takbo ng maramdaman ko ang pag lamig ng paligid at mga kaluskos.
Halos mag kanda rapa nako maka takbo lang ng mabilis, napaka bilis ng tibok ng aking puso at halos kapusin ako ng hininga ng biglang may lumitaw na nanlilisik na pulang mata sa aking harapan.Authomatic na nagtambulan ang aking dibdib ng mapag tanto kung sino ang nasaharapan ko, Fuck. Diaboli. Bakit nga ba nakalimutan ko ang tungkol sa kanila, ito ako ngayon at kaharap ang isa, Damn anong gagawin ko.
Paatras akong humakbang at mabilis na pumaikot para sa pag takbo, rinig ko nakakatakot nyang boses na nag bibigay ng gooseflesh sa akin.
Damn, somebody help me. Patuloy lang ako sa pag takbo ramdam ko ang pag sunod nya sakin kaya mas binilisan ko pa.
Naiiyak nako sa takot lalo nat napapalayo nako sa park at napupunta nako sa masukal na parte kung saan walang napapadpad na tao.
Damn bakit ba dito ako dinala ng paa ko. Argh! Kailangan kong bumalik dahil walang makakakita sakin kung dito ako pupunta.
Liliko na sana ako pabalik pero huli na dahil kaharap ko na ang diaboli at ang nanlilisik niyang mata.Nag tindigan ang aking balahibo ng pumaikot ito sa aking buong katawan.
"Argh! Ahhh tulong!"
Pilit ko itong winawaksi pero patuloy lang sya pag iinikot sa buo kong katawan, ano bang nangyayari.
Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil tila kinakapos ako sa hininga sa paraan ng ginagawa ng hayop na to sa akin."Lumay--" hindi kona natapos ang aking sasabihin ng pumasok ito ng mabilis sa aking bunganga.
Muli naramdaman ko ang kakaibang init sa aking lalamunan para itong sinusunog, nag dadala ng kakaibang sakit ang ginagawa nya.Napaluhod ako ng bumaba ang mainit na bagay sa aking tiyan, pilit ko itong pinipisil dahil hindi nako mag kawari kong anong dapat kong gawin para maalis ang sakit sa aking katawan.

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT