OXOMON"Hindi kona maramdaman ang kanyang presensya Oxomon,"
Napahawak ako sa sintintido at muling tumingin sa malayo. Nandito kami sa malaking puno kung saan lagi kaming nakatambay. Kung hindi na maramdaman ni reilo ang presensya nito, Maaring patay na sya o hindi kaya nasa kamay na ito ng kadiliman. Anong binabalak mo, DIverio alam kong nakipagkasundo ang mga angel sa kay Diverio kaya sila nakarating dito sa lupa. Pero bakit muling kinikuha ito nya."Mukang hindi na natin maibabalik si Heri,"
Lamtay kong saad, Argh!
"Maayos din ito, isa pa hindi mona sakop iyon kami ng bahala ni Pinuno ang gumawa ng paraan para makuhang muli si Heri"Tumango tango ako sa kanya, Dahil wala rin naman akong matutulong sa kanya lalo nat nasa ganto akong katayuan.
"Umuwi kana, Malalim na ang gabi baka hinahanap kana ng babaeng kasa- Sandali, nabura moba ang alaala ng babaeng iyong niligtas? Bak-"
"Hindi"
"Anong hindi Oxomon? baka ipa-""Hindi ko magawang burahin ang kanyang alaala, Hindi ko rin mapasok ang kanyang memorya Reilo. At higit sa lahat nakita ka nya, nakita nya ang alagad ni Diverio."
Kita ko ang pag tataka na gumuhit sa kanyang mukha, Sino bang hindi mag tataka imposibleng hindi yon magawa ng angel nakagaya ko, pwera nalang kung demonyo sya. Pero imposible dahil wala akong nararamdaman sa kanya kung hindi tao.
"Ngunit isa lang syang tao Oxomon, Wlaa akong maramdamang kakaiba sa kanya"
Tumango tango ako sa kanya. Tumayo ako sa pag kakaupo sa tranka ng Puno muli kong pinakiramdaman ang hangin na dumadampi sa aking balat.
"Wag kang mag alala, Kaya ako lumalapit sa kanya ay para malaman ang totoo nyang pag katao. "
Tumango sya at tumayo nadin mukang babalik na ang lalakeng ito.
"Sige, pero Oxomon"
"Hmmm?"
"Palaala lang, Isa kang angel huwag mong hayaang mahulog sa isang tao."Napalingon ako sa kanya, Seryoso ba sya?
"Reilo, Hindi monako kailangang pang paalalahanan haha"Ngumisi ito pero tumango nadin at dahan dahang nag laho sa aking paningin.
Muli kong narinig ang sinabi ni reilona ikinatawa ko hindi ako ang tipo ng angel na lumalabag sa batas at isa pa bat ako mahuhulog sa babaeng iyon, Ang sakit sa tenga ng boses, Ang tabil ng dila, ang sama pa ng ugali.
Nag pakawala ako ng buntong hininga bago pinaglaho ang aking sarili.****************
ELISHA
Nakikita ko ang pag tingin sakin ni Oxomon sa rear mirror ng van na sinasakyan namin papunta sa new place ng aming shooting.
"Kanina ko pang napapansin ang iyong pag titig? May nais kabang sabihin?"
Saglit akong natigilan, Ramdam ko ang mga mata na nakatutok na sakin kahit si manager ay binigyan ako ng nag tatanong na tingin. Napabuntong hininga nalang ako at umiling. Sapul kase kanina ay kanina ko pang tinitngnan si Oxomon, Gusto kong itanong ang nangyari kahapon pero nag lalaban sa aking isipan kong dapat pa bang itanong alam kong panaginip iyon pero may nag tutulak padin sakin na itanong ito sa kanya. Pati ang parte ng pakpak na nasa kwarto nya nais kong tanungin pero tingin ko naman nonsense din ei baka mamaya pag tawanan pako nito o hindi kaya pag bintangan na nangangalkal ng gamit na may gamit no!
Hindi kona muli syang tiningnan at ibinuhos ko ang tingin sa bintana.Buong Mag hapon akong lutang dahil sa panaginip kong yon, And I cant help to think kung panaginip koba talaga yon or totoo.
Pasalampak akong bumuntong hininga ng matapos ang shooting namin, Nandito ako sa tent at sa dikalayuan ay nakatayo don si Oxomon, Hindi ko maiwasang titigan sya mula ulo hanggang paa. Mag hapon syang nakatayo diyan nakakaupo lang ata sya kanina nong kumain kami ng lunch at breaktime. Parang sanay na sanay pa sya sa pag babantay, Hanggang ngayon hindi ko alam kung saan sya galing, kung may pamilya ba sya, Kung Ano ba talaga sya, Napatawa ako sa sarili kong naiisip, Malamang Elisha tao sya mukha ba syang bampira or what. Masyado nakong nahihiwagaan sayo Oxomon, Sino kaba talaga?

BINABASA MO ANG
Angelus Amare
FanfictionANGELOS AMARE ANGELOS AMARE IS A FORBIDEN LOVE BETWEEN HEAVEN AND HELL. FOR LOVE WE CAN KILL AND BROKE APART. WE CAN FIGHT EVEN THE LOVE IS FORBIDEN AND THE WORLD AGAINST FOR IT