Chapter 35: Savebytheangel

1 0 0
                                    

"Gumagawa ka nananaman ng basta bastang desisyon Oxomon"

Inis na turing ng kaibigan nyang Si Reilo. Ang dalawa ay naka upo sa trank ng puno na lagi nilang tinatambayan.

"Bukas na gagawa ng hakbang mga mga pinuno para patigilin ang  mga diaboli na pumapatay sa mga huminum"

Tumango ulit si Oxomon, Kahit papano ay nakahinga sya ng maluwag dahil matitigil narin ang pag kawala ng mga inosenteng buhay at mababwasan ang banta sa buhay ni Elisha.

"Mabuti kung ganon"

"Oo at makaka pag pokus na tayo sa kung ano talaga ang pinunta natin dito"

Tila may gustong ipahiwatig ang bawat salitang binibitawan ng kaibigan nya kaya hindi mya maiwasang mapatingin dito. 

Nang hindi parin sumasagot si Oxomon ay nag pakawala ito ng buntong hininga.

"Ano nanaman ba ang binabalak mo Oxomon? Hindi ba ay napag usapan na natin ang tungkol dito? bakit ba pabago bago ang isip mo?"

Hindi agad naka imik si Oxomon at biglang pumasok sa isipan nya ang nag hihinagpis na mukha ni Elisha. Umalis lang ito para gawin ang trabaho nya pero babalik din ito agad kay Elisha.

"Hindi ko kaya"
Mahinang suhistyon ng lalake.

Tila hindi na nagulat si Reilo sa sinabi nito.

"Mapapahamak ka sa ginagawa mo kaibigan"

"Pero hindi ko kayang iwan si Elisha sa ganong sitwasyon! Kailangan nya ng taongmasasandalan! At Ako.yon."

Habang nakayukom ang mag kabilang kamay nito.

"Paano ang misyon mo? Pag hindi natin natapos ito sa takdang panahon baka mag kagulo ang kaharian lalo nat kailangan na silang parusahan, Nag iisip kapa ba? Wala ka ng ibang iniisip kong hindi ang babaeng iyon"

Hindi naka imik si Oxomon, Hindi kalaunan ay napabuntong hininga ito.

"Pero Reilo, "

Iiling iling na tumingin sa kanya si Reilo.

"Kung gusto mo siyang makasama at makita, Tapusin mo ang misyon mo"

Napakunot ang noo ni Oxomon sa tinuring ng kaibigan nya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Isang maliit na ngiti ang pinakawalan ng lalake at tinapik tapik ang balikat nito.

"Nakalimutan mo na ba? Pag nanatatapos ng mas maaga ang ating mga misyon ay pinauunlakan tayo ng isang Hiling?"

Tila nag liwanag ang mukha ni Oxomon, nakalimutan nga nya ang bagay na yon. Dahil matagal na rin naman bago sya humingi ng mga hiling dahil wala naman syang dapat pang hilingin noon.

"Bakit hindi mo subukang hilingin na makasama ang isang tao, Baka pag bigyan ka nila"

Napangiti si Oxomon, Kahit lagi syang kinokontra at pinag sasabihan at halos araw araw ipinamumukha sa kanya ni Reilo na mali ay ginagawa nya ay tinutulungan parin sya nito.

Hintayin mo lang Elisha, Mag kakasama rin tayo, Gagawa ako ng paraan para maging maayos ang lahat.

"Hanapin na natin ang huling peccatum?"

Naka ngising saad ni Reilo at natawa naman si Oxomon dito bago tumango.

**********

Nagising muli si Elisha mula sa panaginip na gabi gabi na syang ginugulo. Napabuntong hininga ito ng makitang mag isa sya sa kwarto at wala si Oxomon.

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon