Special Chapter

4 1 0
                                    


      Kinuha ng babae ang pulang lipstick at nilagay nito sa papusong korte ng kaniyang labi.
    Hinigit niya pababa ang damit nito na skirt na itim at black tube na pinatungan ng maong jacket, hindi maipag aakila na napaka sexy ng suot nito lalo nat litaw na litaw ang hakab ng kaniyang dibdib.

     Nagawang tingnan ng babae ang buo niyang katawan hanggang sa ma satisfied ito sa kaniyang itsura.

   "Perfect"

Kinuha niya ang bag nya at saka lumabas ng kwarto.

    "Saan ka pupuntang babae ka? Gabing gabi na?!"

   "Iloveyoutoo Ma" bored na sagot ng babae habang nag susuot ng sandals niyang may takong.

   Umuusok na ang ilong ng ginang habang pinapasadahan ng tingin nito ang kaniyang anak.

   "Saan ka pupunta? Baka kung mapaano kang bata ka! Tingnan mo yang suot mo, huwag ka nalang kaya mag damit ha?! Gabi na huwag ka ng umalis!"

   Umirap sa ere ang babae.
"Whatever ma" tuloy tuloy nito sa pag lalakad.

     " Reiannaaaaa!"

Napalingon ang batang si Rei na nag lalaro,sa lakas ng sigaw ng nanay nya,

***********

      Napaka ingay sa lugar, kasabay pa ang mga iingay na tugtog at nag sisigawang mga tao, lalo na ang nakakasulasok na amoy ng sigarilyo at mga alak.
    Parang mga wala sa sarili ang mga tao habang sinasabayan nila ang nakaka indayog na tunog.

     Sa dagat ng mga taong nag sasayawan ay naandoon si Reinna at sexy na sexy sa kaniyang pag sayaw halos agaw atensyon ito sa paraan ng kaniyang ginagawa ay talagang nakaka akit tingnan.

    Hanggang sa may lumapit na dalawang lalake sa babae at hinawakan sa braso.

    "Hey dont touch me! Get lost"
Tumalikod na si Reina sa dalawa at muling nakipag sayaw sa mga kaibigan nito pero muli lang siyang hinawakan sa braso at hindi na siya nakapag pa noong hilahin siya nito paalis sa dagat ng mga tao.

    "Sino ba kayo ha? Dont touch me! Saan nyo ako dadalhin?! "

  Pag pupumiglas ng dalaga, hanggang mapagtanto niya kung saan sila papunta. Lumabas sila ng bar at patungo ngayon sa madilim na gilid ng bar.

    Nag pupumiglas ang dalaga hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa kaniyang likodan, napadaing ito.

  " A-ray, Ano ba ha? What the hell is your problem huh?!"
   Ngumisi lang ang dalawang lalake,
Napakunot ang noo ni Reina ng mag tanguan ang dalawa at halos lamunin siya ng kaba ng hawakan ng isa ang dalawa nitong kamay at itaas ito sa uluhan niya.

    "A-nong gagawin n-iyo?" Nangangatal na ang katawan ng dalaga dahil sa kaba, namumuo narin ang luha sa kaniyang mga mata.

"Shhhhh, pasensya na Miss na pag utusan lang HaHahA"

  "Tu-hmmpp!"
Tinakpan ng lalake ang bibig nito habang ang isa ay nag umpisa siyang pag hahalkan sa leeg, parang napapaso si Reina sa tuwing dumidiit ang maruming labi ng lalake.

    Nagtuluan ang luha niya dahil sa takot at kabang nararamdaman.

   Somebody help me, pleasee

Napapikit si Reina ng ilihis ng lalake ang suot nitong jacket, at halos kapusin siya ng hininga ng nakangisi na ang lalake habang nakatingin sa dibdib nito.

    "Hmmmmmpp!"

   Naipikit nalang ni Reinna ang kaniyang mga mata, hindi niya akalain na mararanasan niya to.

  "Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?"

   Naimulat ng dalaga ang mata niya ng makarinig ng hindi pamilyar na boses, hinanap niya kong saan galing ang boses at natuon ang mata niya sa madilim na bahagi.
   Hindi kalaunan ay unti unti itong lumabas, mula sa puting tuxedo hanggang sa mahaba nitong buhok na hanggang leeg, ang mukha nitong perpekto at ang mga mata nitong walang buhay.

    Hindi maipag aakila kung gaano ka perpekto ang lalakeng lumitaw sa kadiliman.

   "Sino ka? Pwede ba huwag kang makealam kung ayaw mong madumihan yang damit mong purong puti, ginamitan ba yan ng Tide? Hahaha umuwi kana sa nanay mo"

    Saad ng lalake at muling tinuon ang tingin sa dalaga na hindi naman maalis ang tingin sa bagong dating.

   Hahalikan nasa ulit ito ng lalake ng bigla nalang itong tumalsik palayp kasama ang isa nitong kasamahan.
  Bumagsak ang dalawa na wala ng malay.
  Nanlaki ang mata ni Reina dahil hindi siya maka paniwala sa nangyari.

     Napalingon si Reina sa lalake at walang sabi sabing lumapit ito habang inaayos ang jacket niya.

   "Ikaw ba ang gumawa non?" Tanong ng dalaga habang manghang mangha na nakatingin sa mukha nito.

  Pero tiningnan lang sya ng lalake na walang buhay.

  "Kung ikaw man ang gumawa non, Thank you padin, for saving me." Saad ulit ng dalaga pero wala paring respon ang lalake dahil nakatingin lang siya sa dalaga.

  "I know you like me, dont worry Im paying you for saving me"

  Dala narin ng alak ay malakas ang loob ng dalaga na ilapit ang mukha nito sa lalake. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge nito na ikinatuod ng lalake.

   "Im paying you with my lips"

Hindi na nakaangal ang lalake ng mabilis na inilapat ng babae ang labi nito sa labi ng lalake.

     Hindi magawang maka pag react ng lalake dahil gulat na gulat parin siya sa nangyayari.

  Hindi nag tagal ay nag hiwalay na ang labi nila.
"Sweet" saad nito.
ngumiti sa kaniya ang babae bago ito tuluyang nawalan ng malay at mahulog sa mga bisig niya.

   Napabuga ng hangin ang lalake ng mapagtanto ang ginawa ng babae at kalagayan nito ngayon.
Inayos niya ang pagkakabuhat sa babae na para bang isang bride.

Bago ito muling nag pakawala ng buntong hininga at muling tiningnan ang wala ng malay na dalaga.

    "Mukang mahihirapan ako sa bago kong misyon"

    Saad ni Reilo bago niya pinaglaho ang mga sarili nila.

************
     Reina and Reilo story who wants?

    Thank you sa mga naka abot dito, please dont forget to Follow and Vote:)

  Follow my account: Icarusstories

Lovelots Everyone:)

  Godbless ang maraming Thank you ulit❣️

Angelus AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon