Chapter One

249 63 9
                                    

"Astrid Greta, pumunta ka nga dito sa kusina." Pag uutos sakin ni Mama na kasalukuyang nagluluto ng aming hapunan.

Agad naman akong pumunta sa kusina para malaman kung ano ang gustong sabihin ni Mama.

"Anak, ikaw na muna ang kumuha ng inorder ko sa Tita Tanya mo idedeliver daw malapit sa Coffee Shop." Aniya nito habang abala pa rin sa pagluluto.

Anong order na naman? Tumango na lamang ako dito bilang tugon at tumaas ako sa kwarto ko para makapag palit ng damit dahil naka pang bahay lang ako.

Si Tita Tanya kaibigan ni Mama simula Highschool and may business si Tita Tanya na mga sweets like cookies, cupcakes and cakes.

Madalas si Mama umorder kay Tita Tanya dahil masarap talaga yung mga products na binebenta nila.

Sana ol masarap.

Anyway, ang dami ko pang sinasabi.

Naka pants lang ako and sinoot ko yung halter top na binigay sakin ni Parker bestfriend ko.

And nag flat shoes na lang ako at dinala ko yung bohemian kong sling bag tapos gora na.

Ginamit ko yung kotse namin dahil ayokong maglakad ang tirik tirik ng araw and pinapayagan naman ako ni Mama na mag drive dahil marunong naman ako.

Umattend yata ako ng driving lesson nung fourth year highschool ako.

Nakadating na din naman ako sa Coffee Shop na sinasabi ni Mama and nakita ko naman agad si Tita Tanya na may kasamang isang lalaki na binata I think ka edad ko ganon, not sure.

Di ko sure.

"Hi Astrid! Ang ganda mo naman! Ito nga pala yung anak kong si Nicho. Pogi yan!" Pagpapakilala ni Tita Tanya sa anak niya.

Bakit ngayon ko lang to nakita 'e madalas kami mag dinner sa kanila noon?

"Hello po Tita Good Afternoon po, Uhm hello Nicho nice meeting you." Sabi ko at nakipag shake hands naman ako para naman pormal diba. Ayoko namang maging bastos 'noh lalo na sa harapan ni Tita Tanya.

Inaya ako ni Tita Tanya na pumasok muna sa Coffee Shop at makipag kwentuhan. Pumayag naman ako dahil ang init sa labas at gusto ko ding mag frappe ngayon dahil sa init ng panahon.

Si Tita na yung nag presintang pumila sa counter at naiwan kaming dalawa dito ni Nicho. Tinitigan ko siya, infairness pogi siya, matangkad, moreno, matangos ang ilong at brown eyes si Kuya mong Nicho amp.

Nahuli yata ako nitong si Nicho na nakatitig sa kaniya kaya iniwas ko yung tingin ko at nag kunwaring nag scroll sa phone ko. Myghad Astrid nakakahiya ka!

"Wag mo nga akong titigan." Masungit na sabi nitong si Nicho sabay irap.

Problema non?

Hindi ko na lamang ito kinibo at inantay na lamang na makabalik si Tita Tanya.

Okay na sana... pero bat ganon bakit ang sungit niya Lord? Hindi ko na lang siya pinansin at pinag patuloy ang pag scroll ko sa phone ko habang wala pa si Tita Tanya.

"Ano Iha, okay ba ang anak ko?" Nakangiting tanong nito sa akin at inilapag sa table namin yung inorder niya. Gusto ko sanang sabihin na ang sungit ng anak niya pero ayoko namang ipahiya si Nicho kay Tita.

Generous naman ako.

Char.

"Okay naman po Tita. Tahimik po." Kahit man lang sa word na 'Tahimik' maging honest ako diba? Tumawa lang si Tita at nag kwento tungkol dito kay Nicho. Naka headset naman siya kaya hindi niya naririnig na binibida na pala siya ng Nanay niya.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon