💛💛💛
Matured content (slight lang) 😂
-
"Dennise, are you okay" Tanong ng kapatid ko habang nasa harap kami ng hapag.
Ilang araw na ako hinatid dito ni lawrence, nag hihilom na din ang mga sugat ko. Habang ganito pa sitwasyon ko hindi muna nila ako pinapasok. Si monique ang nag prisinta dalhin dito mga naiwan ko Gawain sa school, sya na din nag tuturo sa akin pag may bago turo ang teacher namin, siguro sa lunes makakapasok na ako.
Ibinaba ko ang table spoon ko at saka ko sya tinapunan ng tingin. Tipid ako ngumiti sa kanya, "okay lang ako" huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa amin ni Samantha.
"Ayoko sermonan ka Dennise, siguro naman alam mo kung ano pag kakamali mo."
"Yeah, I know that"
Tumayo sya at lumapit sa akin para halikan ako sa ulo, "I have to go, papasok na ako" pag paalam nya sa amin ni sam. "Ate mauna na din ako" humalik naman sa pisngi ko si Samantha at umalis na sya.
Pag kaalis nila dalawa, lalo bumigat pakiramdam ko. Wala si daddy at mommy nasa Hongkong dahil sa business. Sumubo lang ako ng isa pinunasan ko ang labi ko at tumayo na don.
Wala oras na hindi sumagi sa isip ko ang nangyari sa akin, akala ko ay makukuha na ng hayop na yon ang pag kababae ko mabuti na lang dumating si lawrence at leo. Hindi ko malimutan kung gaano nag alala ang mga kapatid ko, halos patayin na ni nathan yong lalaki bumaboy sa akin kung hindi lang sya napigilan ng dalawa nya kaibigan baka pinag lalamayan na yon ngayon.
Nag buklat ako ng libro kinuha ko sa lagayan, nandito ako ngayon sa library ng bahay namin. Mag hapon na naman ako nakatunganga dito. Ilang araw pa bago ako makapasok ng tuluyan.
"Nandito ka lang pala"
Inangat ko ang tingin sa lalaki nag salita, nangunot ang noo ko. Tiningnan ko ang relo ko, bago tumungin ulit sa kanya. Oras ng klase ngayon bakit sya nandito. Narinig ko naman tumawa sya ng mahina, Inirapan ko na lang sya tinuloy ko na lang pag babasa ko.
Umupo sya sa harapan ko, pero dinedma ko lamang sya. Akma bubuklatin ko na ang kasunod na pahina nang bigla nya kunin ang libro.
Sinamaan ko sya ng tingin, bastos ng lalaki ito. Alam naman nag babasa ako.
Nilagay nya sa tapat ko ang mga papeles, tiningnan ko muna yon bago tumingin sa kanya.
"Permahan mo yan, Deliver ngayon ng hinarvest" sabi nya sa akin.
"Dahil dito kaya hindi ka pumasok Mr. Perez" kaswal ko tanong sa kanya.
Balik na naman kami sa dati, ramdam ko na naman ang panlalamig nya sa akin. May parte sa akin nadismaya dahil akala ko babalik na kami sa dati pero nag kamali ako.
"Yes" tipid nya sagot.
"Dapat pinadala mo na lang sa secretary mo, hindi kana dapat umabsent sa klase mo"
"Advance ako mag aral, kaya yong tinuturo sa klase alam ko na"
Yabang, umiling na lang ako at binasa ko na ang nasa papeles. Naiilang ako dahil nakatitig lang sya sa akin, bawat galaw ko pinapanood nya.
"Iwan mo muna ito dito, pag aaralan ko muna. Pwede ka na umalis"
Napangisi naman sya, "kelangan ko na yan ngayon" umirap naman ako sa kawalan. "Dapat kahapon mo pa ito dinala, alam mo naman ayoko minamadali ako"
"Actually, napag aralan ko na yan. Approved na sa akin, Perma mo na lang ang kelangan"
Bumuntong hininga ako, pinermahan ko na lang lahat para makaalis na sya dito. Nilagay ko sa harap nya ang lahat ng papeles at kinuha ko ang libro, nag patuloy na ulit ako sa pag babasa.
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)