🔥9

124 6 0
                                    

💛💛💛

Tahimik lang ako habang nakasakay kami ni lawrence sa kotse nya, papunta kami ngayon sa hacienda namin, hindi ko alam kung bakit pero wala ako pakealam kung ano man ang dahilan nila! Nakakabawas ng ganda ko ang porma ko ngayon, para talaga ako pupunta lang sa palengke, lalo pa ako nainis nang pag tawanan pa ako lalo ni nathan at samantha! Ang suot ko ngayon ay hindi bagay sa personalidad ko, para ako taga bukid lamang!


Inis ko, nilabas ang mga make up ko mula sa mamahalin ko bag, nilagay ko sa dashboard ang make up ko, kahit hirap ako mag lagay ng kolorete sa mukha ay pinilit ko pa din ang gusto ko. Nag lagay ako ng make up para naman mag mukha ako maganda sa harap ng tao mamaya!

"Dennise, wag kana mag lagay ng make up" suway sa akin ni Lawrence, bagkus na sundin ko sya ay inirapan ko lamang sya.

Tsk. Pake nya ba!

Sakto naman nag lalagay ako ng maskara, saka naman sya nag preno ng malakas!

BADTRIP!

Sinarhan ko ang maskara ko, padabog ko nilagay yon sa bag ko kasama ng iba ko make up! Mabuti na lang hindi lampas ang pag kakalagay ko.

Rinig ko ang malalim na pag hinga ni Lawrence, binalewala ko lamang yon dahil badtrip na ako.

"Hindi mo naman kelangan mag lagay ng make up, maganda ka dennise kahit hindi ka mag ayos"

Umirap ako sa kanya, "Hindi mo na nga pinag bihis ng maganda pag babawalan mo pa ako mag make up!" Singhal ko sa kanya.

"Mababalewala din yan pag nagbabad kana sa initan" seryoso nya sabi sa akin.

Ngumuso ako, This time tama sya! Bumuntong hininga ako, kinuha ko ang wipes na baon ko din saka nag simula alisin ang make up ko. Tinira ko lang ako lipstick ko, saka humarap sa kanya na ngayon ay nakatitig lang sa akin.

"Ano masaya kana?" Pag tataray ko sa kanya.

Ngumisi naman sya sa akin, sa binuhay ang makina at nag patuloy mag maneho.

Yon lang yon? Hindi nya manlang ako pupurihin na maganda ako. Tsk! Badtrip talaga.

Tumahimik na lang ako habang nakatingin sa labas, mula sa salamin ng bintana kita ko kung gaano sya kaseryoso mag drive, hindi manlang nya ako nililingon.

"Wag mo ako tingnan sa salamin" sabi nya sa akin ng hindi manlang lumilingon.

"Hindi kita tinitingnan! Wag ka pilingero Mr. Perez"

"Sarap sa pandinig pag ikaw ang tumatawag ng apelyedo ko na magiging apelyedo mo din balang araw"

Nabigla ako sa sinabi nya, sa loob ng isipan ko ay hindi ko maiwasan kiligin.

"What did you say?"

"Ayoko na ulitin ang sinabi ko dahil baka kiligin ka ng todo" sabi nya sa akin, batid ko nakangiti sya kahit nakatingin lang sa daan.

"ASA! HINDI MANGYAYARI YON!"

"Sige lang dennise, hintayin mo lang na maging successful ako. Baka magulat kana lang pag hiningi ko na ang kamay mo kay tito" derecho nya sabi sa akin.

Hindi na lang ako umimik, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin dalawa. Bigla ko tuloy naalala ang gusto ko itanong sa kanya, mukha wrong timing kung ngayon ko sya tatanungin.

Ipinarada ni Lawrence ang sasakyan malapit sa rancho, napasimangot ako bigla nang maalala ko yong time na nag agawan kami sa leche baboy na yon! Pag talaga yon nakita ko lelechunin ko talaga ang lecheng yon! Bumaba si lawrence sa kotse, umikot sya para pag buksan ako ng pinto inalalayan nya ako bumaba. Nang hawakan nya ang kamay ko ay bigla may kung ano pakiramdam ako naramdaman sa sistema ko, nandoon naman ang kilig na dinulot sa akin. Iba talaga pag sya ang humahawak sa akin.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon