💛💛💛
Tatlo'ng Simbolo ng Imperyo
Natatawa na lang ako sa mga naririnig ko sa baba, halos lahat ng mga babae kinikilig. Samantalang si Lawrence panay ang halik sa labi ko pag ngumingiti ako.
Humiwalay sya sa akin, "babe nasaan yung box na inabot sayo ni Monique?"
Kinuha ko sa bulsa ng palda ko yung box na sinasabi nya, saka ko inabot sa kanya pero hindi nya tinanggap.
"Buksan mo babe" utos nya sa akin, kinuha nya ang hawak ko bulaklak saka nilagay sa lamesa nandoon na marami din petals.
Tiningnan ko muna sya, pero nakangiti lang sya sa akin.
Kulay maroon ang box na hawak ko, may diamond pa design. Bumuntong hininga ako saka ko binuksan ang hawak ko.
Namilog ang mata ko, dalawa singsing ang laman ng box, dalawang silver sya na may design na puso pag pinag dikit sya mabubuo ang heart design. Kinuha ni Lawrence ang isa singsing na silver saka kinuha ang isa ko kamay.
Tumingin sya sa akin habang hawak ang kamay ko, "Gusto ko na sana mag propose sayo babe, dahil gusto ko na pakasalan ka kaso alam ko naman masyado pa tayo bata, pero gusto ko may tanda na sa akin ka lang talaga, gusto ko may sumisimbolo sa pag mamahalan natin kaya ko ito ginawa babe."
Sinuot nya sa promised ring finger ko ang isang singsing, "This ring is symbolize of my love and loyalty" emosyonal nya sabi sa akin.
Kinuha ko naman ang isang singsing sa box na kulay black ang design na puso at kinuha ko ang isa nya kamay.
"this ring is a symbol of my love for you forever" sinuot ko sa promise ring finger nya ang singsing na hawak ko.
Yumakap sya sa akin, pareho kami naging emosyonal. Sobrang saya ko, hindi ko akalaing babalikan nya pa ako, hindi ko ito na imagine sa tanan ng buhay ko, akala ko galit sya sa akin dahil sa ginawa ko noon pero hindi, bumalik pa rin sya para sa akin. Sa dinamirami ng babae ako pa rin ang pinili nya, tapos nag bigay pa sya ng singsing sa akin, hindi ko din akalaing gusto na nya ako pakasalan, natutuwa ako dahil inisip nya na masyado pa kami bata para doon, pero kung nag propose na sya sa akin hindi ko naman sya tatanggihan e, mahal na mahal ko si Lawrence hindi ko kakayaning mawala sya sa buhay ko, minsan na sya nawala ayoko na maulit pa 'yon.
"Mahal na mahal na mahal kita dennise"
"Salamat"
Umalis sya sa pag yakap sa akin, saka ako tiningnan na may pag tataka.
Ngumiti naman ako, "salamat, dahil binalikan mo ako, salamat dahil pinag tatyagaan mo ang ugali ko, salamat dahil hindi mo ako iniwan ulit, salamat dahil lagi ka nandyan para sa akin, at nag papasalamat ako sa dyos dahil ikaw ang ibinigay nya sa akin"
Hinawakan nya ang mag kabila ko pisngi, "salamat din dahil hinintay mo ako, mahal na mahal kita. Handa ako gawin lahat para lang sayo mahal ko"
Hinalikan nya ako sa labi, saglit lang yon pero dama ko ang pag mamahal nya, yumakap ako sa kanya ganon din ang ginawa nya sa akin.
"Shet, sana all may lovelife"
Natawa kami ni Lawrence sa sinabi ni leo, umakbay sya sa akin saka hinarap ang mga kasama namin sa dito sa taas. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila, hindi ko akalaing susuportahan nila kami ni Lawrence.
Nandito si timothy, matheo, lucas, Karen, amesyl, mia, john Leo, Samantha at nathan. Lahat sila ay nakangiti sa amin ni Lawrence.
"Takte gutom na ako!"
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
Storie d'AmoreDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)