🔥18

70 5 0
                                        

💛💛💛

"Ano?" Sigaw ni kuya sa kabilang linya

Nangangatal ako sa galit, hindi ako makapaniwala makikita ko ang ganito eksena.

"Niloko ako ni Lawrence, kuya Nathaniel" hagulgol ko

"Fuck nasaan ka?!"

Umatras ako patalikod para umalis na sa lugar na ito, pero bigla ko nasagi ang isang kahoy na nakasandal sa pinto ng kulungan ng isang kabayo, kaya bigla sila napatigil sa kababuyan nila.

"Dennise, hintayin mo kami dyan"

Tumigil ako sa pag kakatayo dahil bigla kumilos ang dalawa, ang mga mata ko ay napuno na ng luha, hindi ko kaya ang sakit na ng dibdib ko, para tumigil ang mga pang yayari sa paligid ko. Si Lawrence ay para lango sa alak dahil hindi siya makapag bihis ng maayos, umatras ulit ako hanggang sa mapatapat ako sa ilaw, agad na nagulat ang kanila mga mukha dahil hindi nila ako inaasahang makita dito.

"De-dennise ikaw ba yan?" Mabilis ang pag kilos ni lawrence, nang maisuot niya ang pambaba niya agad siya lumapit sa akin.

Pinahid ko ang luha ko sa mata, hindi ko na siya inintay umimik pa o tuluyan makalapit na sa akin, agad ako tumakbo palabas ng lugar na yon, sobrang sakit hindi ko akalaing magagawa niya ito. Hindi ko mapigilan hindi maiyak, mabilis ang kanya pag takbo, naabutan niya ako nang makarating kami sa labas ng kuwadra.

"Dennise!" Hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa pagtakbo.

Agad ko inalis ang pag kakapit niya sa akin, dahil sa napuno ko galit agad lumapat ang kamay ko sa pisngi niya. Umabot na ako sa punto na nandidilim na ang paningin ko.

Nabigla siya, kung hindi lang siya nakahakbang ng isa matutumba na sana siya agad.

"Ate!" Rinig ko sigaw ng kapatid ko, hinawakan ako ni monique sa braso pero hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay Lawrence.

Bumalik lang sa wisyo si lawrence nang makatanggap ulit sa akin ng sampal, namumula ang mata niya, para syang lango sa hindi ko malamang dahilan, ang ilalim ng mata niya ay nangingitim.

"Babe" tawag niya sa akin habang pilit na inaabot ang kamay ko.

"Wag mo ako hawakan!" Gigil na sabi ko

"Let me explain" nag simula na siya umiyak

"Dennise tama na" awat sa akin ni monique pero hindi ako mag paawat, inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

Lumabas naman sa loob ng kulungan si Zy, parang wala lang sa kanya, nakapolo siya na pang itaas habang naka naka shorts lang, nanlilisik ang mata ko habang tinitingnan ang higad na nasa likod ni Lawrence.

"What's happening here?" Inosente niya tanong.

"Ang kapal mukha mo mag tanong! Pag katapos ng ginawa niyo sa loob" sigaw ko, abot na sa ulo ang galit ko.

"Dennise calm down" nathan told me

Kinuyom ko ang mga kamao ko, kinapitan na ako sa bewang ni nathan, dahil sa galit ko kinalas ko ang pag kakapit niya sa akin, kumawala ako, agad ako sumugod sa pwesto ni Zy, pero pinigilan ako ni Lawrence.

"Dennise please mag papaliwanag ako, wag mo na ituloy ang gagawin mo" sabi niya habang kapit ang braso ko, hindi ako nakinig sinapak ko siya agad naman siya natumba sa lupa.

Nang mapatumba ko na siya, sumugod na ako kay Zy. Rumihistro sa mukha niya ang takot, sa halip na maawa ako, agad ko siya sinampal hindi pa ako nakontento, sinabunutan ko pa siya gumanti din siya pero mas lamang ang lakas ko sa kanya, nandidilim ang paningin ko wala ako maintindihan sa mga sinasabi ng mga kasama ko, isa lang ang gusto ko ngayon, gusto ko mabugbog si Zy.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon