🔥11

82 5 0
                                    

💛💛💛

"Hoy dennise ano yang binabasa mo?"

"Alin ito ba?" Tanong ko sa kanya, pinakita ko naman ang libro ko agad naman namilog ang kanya mata.

"He's into her yan diba?"

Hindi niya siya makapaniwala habang tinitingnan ang libro ko.

"Yes, si ate maxinejiji ang nag sulat nito"

Umupo siya sa harap ko, habang binubukla ang bago ko libro.

"Omg, jijies ka din pala"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Yes, proud ako don"

"Yieeee, pareho tayo. Pero pinaka main fandom ko ay ang JSL"

Nag liwanag ang aura niya nang mabanggit niya ang fandom ni Ate jonaxx.

"Talaga, Jsl din ako. Pero kung tutuusin lahat ata ng fandom ng mga sikat na writer sinasalihan ko, dahil deserve nila ng suporta hindi ng pang babash"

Nag buklat si monique ng iba libro na nasa lamesa ko, umirit naman siya ng makita ang Hell university libro ko, sinuway ko lang siya dahil baka pagalitan kami ni daddy.

"Sabagay, lahat naman kasi sila magagaling. Lahat sila ay dapat suportahan. Pero iba si ate Jonaxx she is so pretty, ang galing niya din mag sulat. Spoiled din sa kanya ang Jsl dahil may app siya malapit na ilaunch"

"Isa din yon sa inaabangan ko"

Nag kwentuhan kami ni Monique tungkol sa mga nabasa namin sa wattpad, ipinag mamalaki niya din sa akin ang mga asawa niya, kakatuwa isipin kahit na Fictional character lang sila hindi pa din natin maiwasan akinin sila dahil sa pag katao nila. Humahanga talaga ako sa galing ng mga writer, hindi lang ako sa sikat na writer humahanga pati din sa mga hindi pa nadi discover na writer.

Tumigil lang kami sa pag iingay nang bigla bumukas ang pinto, nakita ko si nathan na kumakamot sa ulo habang hawak ng isa niya kamay ang doorknob ng pinto ko.

"Pwede ba hinaan niyo ang boses niyo, rinig kasi hanggang kwarto ko hindi ako makapag concentrate"

"Sorry nathan, wag ka mag alala hindi na kami mag iingay" si Monique ang nag salita.

"Pwede ba Monique wag ka diyan mag sorry, gusto ka lang nan makita kaya yan pumunta dito" Nakangisi ako humarap sa kapatid ko na ngayon ay masama na tingin sa akin.

Sinara niya ng malakas an pinto, halata nabuking siya HAHAHA.

"Grabe ka dennise, bakit mo yon sinabi"

Tumayo ako sa pag kakadapa ko sa kama at Inayos ko ang mga libro ko.

"Dahil yon naman ang totoo, wag ka mag manhid manhidan Monique."

"What do you mean dennise"

Tiningnan ko siya at inirapan, "manhid kana nga slow ka pa, minsan Monique iniisip ko bakit kaya kinaibigan pa kita ang layo ng pinag kaiba natin e" nakaupo ako ngayon sa kulay pink ko upuan.

"Bad mo dennise" ngumuso siya, hindi ko naman pinansin yon.

"Pero ayos na din kung manhid ka, dahil ayoko sayo para sa kapatid ko"

Sumama lalo ang timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko, alam ko masakit ang sinabi ko pero kelangan ko yon gawin.

"Napaka sama mo talaga!"

"Matagal na Best friend"

Tumayo siya sa pag kakaupo sa kama, binuhay niya ang flat screen tv ko pag katapos non hindi na niya ako pinansin, bumalik siya sa pwesto niya habang prente nanonood. Para ako ang bisita at siya ang may ari ng kwarto.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon