💛💛💛
FIRST MEET WITH LEONARDO
Bitbit ko ang mga libro kinuha ko sa library namin nang makita ko sa office ni daddy si nathan at Lawrence, nag isip ako sandali kung ano araw ba ngayon at bakit siya nandito. Wala naman ako natatandaan na may schedule sila ngayon tatlo. Nakibit balikat na lang ako nang lalampasan ko sana office ni daddy pero agad ako tinawag ng ama ko. Lumingon ako sa gawi nila nakatingin sila sa akin, inirapan ko naman si nathan ng makita ko nakatingin siya na nakakaloko sa akin.
"Dennise come here" utos ni daddy
Kahit hirap ako sa dala ko pumasok pa din ako sa loob, agad naman tumayo si Lawrence para kunin ang dala ko. Binigay ko naman yon sa kanya, nilagay niya 'yon sa lemesa at pinaupo niya ako sa tabi niya. Seryoso tumingin si daddy sa akin, pinag krus ko naman ang braso ko habang nakatingin sa kanya.
"Mawawala kami ng ilang buwan ng mommy niyo dito sa pilipinas, baka bago mag graduation mo kami makabalik dito" sabi ng ama ko.
"O tapos?" Wala gana ko sagot
"Ang gusto ko habang wala kami kayo mamahala sa kompanya"
"Pano pag aaral namin?" Derecho ko tanong, habang nakatuon ang paningin ko sa kanya
"Katulad pa din ng dati, pag sabayin niyo"
"Okay sabi mo e"
"Aasahan ko habang wala kami hindi baba ang sales ng kompanya natin, nathan ikaw muna uupo bilang CEO. Ikaw naman dennise alalayan mo kapatid mo tutulungan kayo ni Lawrence"
"Bakit kami ang inuutusan mo daddy madami naman diyan may mas alam pag dating sa kompanya natin" si nathan na ang nag salita.
"Dahil sainyo lang ako may tiwala"
"Yon lang ba sasabihin mo daddy? Pwede na ba ako umalis, mag aaral pa ako e" Tamad ko sabi sa kanya.
"Okay Go ahead" pag payag ng ama ko.
Ramdam ko nakatingin sa akin si Lawrence pero binalewala ko lang yon, kinuha ko ang mga libro ko at saka umalis sa opisina na yon. Nakakapang lumo nang pumasok ako sa kwarto, tambak ang mga gawain ko. Assignments, project, Papeles sa kompanya. Tapos may mememoryahin pa ako dahil sa drama club na lechugas na yon! Napapailing na lang ako, dahil hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Mag peperform pa ako ballet class.
Sa sobra stress ko, itinapon ko ang hawak ko libro sa sahig at ginulo ang buhok ko. Para ako maloloko! Yung iba ko pa gagawin ay mag kakasabay ang schedule. Wala na ako pahinga!
KNOCK KNOCK
Sino kaya punyemas ang kumakatok, malas niya ngayon. Badtrip ako!
Nanlilisik mata ko nang padabog ko buksan ang pinto, lalo nag init ang ulo ko nang katulong lang pala namin yon. Tch
"WHAT!" Sigaw ko sa kanya, nagulat naman siya napayuko na lang dahil sa takot.
"M-may bisita po kayo sa baba binibini"
"SABIHIN MO BUSY AKO!"
Hindi ko na inintay ang sagot niya, sinarhan ko ng malakas ang pinto. Lalo nag init dugo ko nang makita ko ang power point na gagawin ko para sa presentation ko. Kaya ako kumuha ng libro para don, padabog ko kinuha ang laptop at umupo sa kama. Binabasa ko muna yon, bago nag isip kung ano pa ang idadagdag ko don. Nang mag karoon ako ng idea kinuha ko ang libro na nasa sahig at nag hanap don ng pwede idagdag sa power point ko. Isang linggo kami binigyan ng palugit dito, nangangalahati na naman ako, pero pakiramdam ko kulang pa din ang gawa ko. Nang may nakita ako sa libro nag type na ako sa laptop ko, nakakapang init ng ulo pag ganito. Tapos aalis pa sina daddy, sa amin na naman ipapasa ang kompanya. Ganito ang ginagawa ko pag wala pasok, tambak ang gawain. Madalas kami wala pasok kesa kay Samantha pero napaka rami naman ng binibigay na homeworks at iba pa.
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomansaDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)