💛💛💛
Naalala ko na ang lahat simula nang hindi ako uminom ng gamot na pinapainom sa akin, hindi alam ng buo ko pamilya na alam ko na. Naalala ko ang lahat simula ng may pumasok sa kwarto ko na dalawa lalaki nakaitim. Nag simula ako gumawa ng sarili ko hakbang para malaman kung sino ang nangahas na manloob sa kwarto ko, hindi ko akalaing ang pag iimbistiga ko ay mag papabalik sa akin sa nakaraan. Muli ko ulit naalala kung sino ako, kung ano ba talaga ako, kung ano dapat ko gawin at kung ano nang yari seven years ago.
Nakatitig ako sa salamin habang pinag mamasdan ko ang aking sarili, hinawakan ko ang buhok ko pati na rin ang mukha ko. Mariin ako pumikit ng maalala ko na naman ang spanya at ang heneral na nag ligtas sa akin. May butil ng luha na pumatak sa aking pisngi habang inaalala ang nakaraan.
*Flashback*
"Magbigay galang sa mahal na prinsesa!" anunsyo ng mataas na heneral ng emperyo ng hilaga
Binuksan ang malaking pintuan ng bulwagan, hudyat para ako ay pumasok sa loob. Suot ko ang kulay dilaw na kasuotan na may mga palamutin sa laylayan at dibdib. Nakatingin sa akin ang mga tao dumalo para sa pag papakilala sa akin, tradisyon namin ipakilala kung sino ang hahawak ng simbolo. Buong spanya ang nag bunyi nang mabalitaan nila kung sino ang hahawak ng simbolo ng hilaga.
Habang ako ay nag lalakad, makikita sa dulo ang inang reyna at amang hari. Nakangiti sila habang nag hihintay na makalapit ako, nasa unahan din ang aking pamilya, ang ama ko na nakasuot ng damit pang hari at ang ina ko reyna, tipid ngumiti ang aking kapatid na panganay na nangunguna sa mga hukbo. Ang aking maliit na kapatid na si Samantha ay inosente tinuturo ako habang kalong ng taga pag alaga nya.
Tumigil ako sa harap ng inang reyna at amang hari, buong puso ako tumungo sa kanila para mag bigay galang. Ilang sadali ako yumuko bago ako umayos ng tayo.
Mula sa utos ng inang reyna, umakyat ako sa kinaroroonan nila. Tumayo sila at tumabi sa akin, hinawakan ako ng inang reyna sa mag kabilang balikat.
"To the people of spain, I am happy to announce that the second child of king armando villarreal, anastasia villarreal, will receive the symbol of the northern empire."
Ang mga tao nandito sa loob ngayon ay lahat nasipag yuko nang ianunsyo ng aking lola na sa akin ibibigay ang simbolo.
"according to the law of the land the second child will inherit the symbol of the sun" sabi ulit ng aking lola.
Nangilabot ako sa nangyayari, lahat ng taong nandito ay may paggalang ang kanilang paningin, ang inosente ko isipan ay unting unti na nakakaintindi na ng nangyayari.
"the sun symbol will be given to you when your birthday arrives, the crowning of your crown will coincide with that day" mahinang sabi ng aking lolo, habang nakatoon ang tingin nya sa mga tao.
Nabigla ako, hindi ko akalaing pag bibigyan nya ako sa gusto ko. Bago humarap sa mga tao ngayon sinabi ko na ayaw ko tanggapin ang simbolo, dahil bata pa ako. Wala sila sinabi na pumapayag sila sa gusto ko mangyari, ngayon lang nila sinabi sa akin yon.
Maligaya sila ng makita na nila ang taga pag mana, tiningnan ko ang aking pamilya lahat sila ay masaya ngumiti ako sa magulang ko, pati na rin sa mga kapatid ko.
Humarap ako sa isang matandang lalaki at itinaas ang kaliwa ko kamay at ang kanan kamay ko ay ipinatong ko sa sagrado libro na nasa harap ko. Sa harap ng tao dito manunumpa ako bilang taga pag mana at isang prinsesa.
"I am anastasia villarreal, swearing with all my heart, I swear before the king and queen as well as the whole empire that I will keep and take the symbol of my whole heart as I take care of my subjects."
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)