💛💛💛
"Dennise may problema ba, kanina ka pa paikot ikot dyan nahihilo na ako saiyo"
Nandito ako ngayon sa dean's office kasama ko ang wala kwenta kapatid ko na si nathaniel, kanina pa sya ngawa ng ngawa habang prenta nakaupo sa upuan. Hindi ko magawa lumingon sa kanya dahil kanina pa ako nag iisip kung paano iwasan si lawrence!"Denden ano ba!" Tawag sa akin ni nathan.
"Manahimik ka dyan kung ayaw mo busalan ko bibig mo!"
"Tumigil kana kase dyan nakakahilo kana e!
"Wag mo ako tingnan para hindi ka mahilo!"
Panay ang sagutan naman dalawa ni nathaniel, naramdaman ko nag bukas naman ang pintuan. Nakita ko naman lumiwanag ang mukha ng kapatid ko dahil sa pumasok.
"Brad, kamusta ngayon lang ulit kita nakita" tumayo sya sa pag kakaupo at nilapitan si lawrence.
Naalala ko na naman yong nangyari sa amin. Ang gaga ko talaga bakit ako pumayag sa ganon! Ex ko na sya hindi dapat ako bumigay ng ganon na lang. Nakakahiya baka sabihin nya easy to get ako. Bumuntong hininga muna ako bago lumingon sa dalawa panget.
"Denden, tara sabay kana sa amin kumain" pag yaya sa akin ng kapatid ko.
Tumingin muna ako kay lawrence, balik na ulit sa dati ang kanya mukha napaka blangko wala manlang emosyon. Hindi na naman niya ako matingnan ng maayos, agad ko naman kinatampo yon. Ganon na lang ba talaga kadali sa kanya kalimutan ang nangyari sa amin.
"Dennise" tawag sa akin ulit ni nathan
"Okay ka lang ba" nag aalala tanong nya sa akin, lumapit sya sa akin at hinipo ang noo ko. "Wala ka naman lagnat, ayos ka lang ba"
"H-ha oo ayos lang ako"
Hinawakan nya ako sa balikat at sinuri ang mukha ko, "namumutla ka" agad ko naman iniwas ang mukha ko sa kanya. "OA mo nathan, ayos lang ako"
Nangunot lang kanya noo, "tara sabay kana sa amin" yaya nya ulit sa akin. Gusto ko man sumabay pero naiilang ako sa presensya ni lawrence.
Iimik pa sana ako pero hinila na din ako ni nathan palabas ng office, nakita ko lang sumunod na sa amin si lawrence. Sa iba direksyon sya nakatingin.
"Dyan ka lang oorder lang kami, padating na din si monique" nag taka naman ako paano nya nalaman na pupunta dito si monique. Ngumiti lang sa akin ang loko, at iniwan din nila ako.
Humaba ang nguso ko, sa oras na ito ginagamit ni nathan ang pagiging panganay nya. Napakadaya!
"Dennise" tawag sa akin ng bruhang si monique, laki ng pag kakangiti sa akin habang papalapit sa pwesto ko.
Inirapan ko lang sya ng nakaupo na sa tabi ko. Halata masaya ang babae, samantalang ako HINDI.
Maya maya pa ay dumating na din yong dalawa itlog, inilapag ni lawrence sa tapat ko ang pag kain ko. Tiningnan ko naman sya pero wala pa din sya reaksyon, nasa pag kain ang atensyon nya. Nanlumo naman ako, akala ko ba mag babago na sya pero bakit ganito pa din kami. Nag kwentuhan sila, hindi ko masabayan ang topic nila masyado ako lutang ngayon.
"Dennise, bakit hindi mo ginagalaw foods mo" rinig ko sabi ni monique, pero nakatingin ako sa iba studyante. Ramdam ko may humipo ng leeg ko, pero hindi ko nilingon kung sino yon.
"Dennise!" Sigaw sa akin ni kuya, lumingon naman ako sa kanya.
"What?" Wala gana sagot ko.
"Kanina ka pa ganyan, may problema ba"

BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...