💛💛💛
Sangkaterbang activities at assignment ang binigay sa amin ng mga Teacher namin, nandito ako ngayon sa library namin sa bahay. Ilang araw na kami hindi nag kikita ni Lawrence. Pareho kami busy sa school lalo na ako halos hindi ko na nga mapansin best friend ko. Mag kasabay pa ang kompanya namin at school ko. Kaya doble ang stress ko ngayon.
Abala ako sa pag susulat nang makita ko pumasok si Samantha habang dala ang ilang libro ginamit nya kanina. Pumunta sya sa bookshelf para ibalik yon, tapos kumuha ulit sya ng panibago akala ko ay lalabas na sya ng library pero hindi, umupo sya sa isang study table at nag simula mag basa habang nag susulat. Napailing na lang ako mag kasalubong ang kilay nya habang nakatutok sa libro. Hindi nya ako napansin nandito din. Napataas naman ang kilay ko nang pumasok din si nathan, dala nya ang laptop nya sa isang kamay ang isa naman ay hawak ang mga folder na sa pag kakaalam ko ay galing sa opisina base sa logo na nakatatak don. Halos wala kami pakialam sa isa't isa ngayon, lahat kami ay abala.
Naramdaman ko nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya agad ko kinuha yon. Akala ko ay si monique yon pero hindi pala.
OneMessage
From: LCP Panget
- okay na ang lahat, nakasweldo na ang tauhan natin. Nakabili na din sila ng bago fertilizer at pananim. Btw, kamusta? Busy ka din ba katulad ni nathan.
Para naman ako nabunutan ng tinik sa dibdib nang malaman ko ayos na ang lahat sa hacienda. Binulsa ko ulit ang cellphone ko, wala ako oras para mag reply sa kanya. Malapit na ang exam kelangan ko maging highest don, nakakahiya pag bumaba ako sa rangkings ipopost pa mandin ang top student sa bulletin board. Over all yon By year, ilan taon na ako nasa top kaya dapat hindi mawala yon lalo na ngayon kelangan ko maging valedictorian dahil pag hindi ko ginawa yon, hindi ko makukuha ang architecture.
"Fuck!" Bigla sigaw ni nathan
"Hey kuya wag ka maingay!" Suway naman ni Samantha.
"Shit talaga!"
"Ano problema mo nathan!" Irita tanong ko sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko dito sa kompanya" derecho nya sabi sa akin, pero nakatuon pa din ang tingin nya sa laptop.
Napairap naman ako, mukhang matinding puyat na naman ang gagawin ko ngayon. Kelangan ko tulungan muna si nathan. Lumapit ako sa kanya umupo ako sa tabi nya at kinuha ang isa folder, binasa ko yon. Si Samantha naman ay bumalik na ulit sa pag aaral.
Nangunot naman ang noo ko dahil sa mga nabasa ko. Tiningnan ko si nathan nakatingin sya sa chart na kung saan nakalagay kung paano bumaba ang sales namin ngayon buwan. Nahilamos nya sa mukha ang kanya kamay dahil sa stress.
"Bakit bumaba ang sales natin ngayon nathan?" Tanong ko sa kapatid ko, gulo na ang kanya buhok ngayon.
"Dahil sa Velasquez, kinakalaban nila tayo"
Naitigil ni sam ang pag susulat at tumingin sa amin, bakas sa kanya ang pag kagulat.
"Tinatapatan pa din ba nila ang produkto natin?"
"Oo dennise! Pag nalaman ito ni daddy lagot ako!"
Nakaramdam naman ako ng awa sa kapatid ko, ang bata nya pa para dito. Kung may magagawa sana ako tumulong na dapat ako, ayaw ni daddy makialam ako pag dating sa ganito.
"Kuya, may maitutulong ba ako" tanong ni Samantha
Seryoso tumingin si nathan sa kapatid namin, "meron sam, layuan mo ang anak ni Don Velásquez para wala na gulo"
Nailapat ko ang labi ko, sa iba direksyon ako tumingin para hindi tumama ang mga mata namin ni Sam. Batid ko sa pamamagitan ng pag tingin nya hihingi sya ng tulong sa akin. Mahirap, Oo pero kelangan gawin yon ni sam.
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomantikDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)