🔥24

62 4 0
                                        

💛💛💛

* S E V E N Y E A R S A G O *

Malakas ang ulan habang tumatakbo ako papunta sa parte ng madilim na lugar dito sa emperyo. Takbo lakad ang ginagawa ko para lang makalabas ako sa madilim na lugar na ito. Takot na takot ako, may tumutugis sa akin na taga Southern empire. Hindi ko alam ang gagawin ko, nagising na lang ako ng nag kakagulo na sa loob ng palasyo, hinanap ko ang mga kapatid at magulang ko pero wala sila sa buong palasyo, bata pa lang ako wala ako alam sa pag gamit ng armas dahil hindi ako tinuruan noon, tangi kapatid ko lang ng may alam ng bagay na 'yon.

Simula nang ipakilala ako sa buong emperyo bilang taga pag mana ng simbolo ay lagi na kami sinusugod ng taga south empire, konti pa lang kaalaman ko sa mga nangyayari. Naguguluhan ang musmos ko isip, iniwan ko ang lalaki mahal ko dahil sa utos ng aking angkan, kaya heto ako ngayon nag iisang tumatakbo papunta sa kagubatan. Limang lalaki ang humahabol sa akin, lahat sila ay nakataklob ng itim, umiiyak ako habang humihingi ng tulong. Sigaw ako ng sigaw kahit wala ako nakikita ibang tao.

Ang mahaba ko damit pantulog ay napupunit na dahil sa aking pag takbo pati na rin ang akin balat ay may sugat na rin dahil sa mga sanga dito sa gubat.

"Tulong! Tulungan nyo ako!" Namamaos ko sigaw

Pagod na ang nangingibabaw sa akin, kinakapos na ako sa aking pag hinga dahil sa walang tigil na pag takbo.

Ngayon ako nag sisisi kung bakit hindi ko pinag tuunan ng pansin ang pag gamit ng pana, kung maalam lang sana ako kanina ko pa dapat sila napatay.

Nadapa ako, hindi ko napansin ang nakausling ugat ng puno. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang paa ko na may sugat na din. Humawak ako sa katawan ng puno upang makatayo, kelangan ko makatakbo sa lalo madaling panahon. Hindi nila ako pwede mapatay, obligasyon ko protektahan ang aking sarili kelangan ako ng buong Emperyo.

Iika ika ako habang tumatakbo, natigilan ako ng may dumaplis sa akin na pana, hinawakan ko ang aking pisngi na dumudugo na. Namilog ang aking mata sa nakita ko limang tao na lumabas sa dilim

Ang isang nakaitim ay nag pakawala ng isang tira, laki pasalamat ko na lang at sa lupa yon tumama. Napaupo ako, takot na ang nararamdaman ko. Umatras ako nang lumapit sa akin ang isang nakaitim, ang kanya mga mata ay puno ng galit.

Sinalubong ko ang kanya tingin, kahit mata lang nakikita sa kanya alam ko nakangisi sya. Nakulong nya ako dahil sa pag kakasandal ko sa katawan ng puno, umusbong ang aking takot ng umupo sya sa harapan ko.

"Ibigay mo na sa amin ang simbolo, kung gusto mo mabuhay pa, anastasia"

Napalunok ako ng marinig ko ang kanya boses, hindi ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot ako, hindi ako makapag isip ng maayos.

"Hindi ko ibibigay sa inyo ang simbolo ng emperyo! Mas gusto ko pa mamatay kesa ibigay sa inyo 'to!" Matapang ko sabi sa kanila.

Nakakaloko pag tawa ang isinukli sa akin ng lalaking kaharap ko.

"Nahihibang kana, mas gusto mo pa mag buwis ng buhay kesa ibigay ang simbolo? Akala ko ba matalino ka, wag ka hibang, isa ka lang prinsesa na walang silbi sa emperyo! Talino at ganda lang ang meron ka, pero hindi mo sila kaya pamunuan dahil sa inyo mag kakapatid ikaw ang pinaka mahina, anastasia"

Naikuyom ko ang palad ko, wala sya karapatan para sabihin sa akin yon! Sya lang ang nakapag sabi sa akin ng ganong salita!

"Wala ka karapatan para pag sabihan ako ng ganyan! Isa ka lang naman tauhan ng emperyong walang kinabukasan!" Matapang ko sabi sa kanya

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon