🔥13

63 4 0
                                    

💛💛💛

Nakahinga ako ng maluwag dahil natapos ko lahat ng gawain sa school, balik na naman sa dati ang sitwasyon namin ngayon. Madami humanga sa presentation ko, pati ako ay humanga din maganda ang pag kakagawa ni Lawrence sa Power Point ko, lahat detalyado hindi din ako nahirapan ipaliwanag 'yon. Natuwa din naman ang teacher ko sa pinasa ko painting, binigyan niya ako ng highest grade dahil don.

"Girl ang galing mo, lahat ng pinasa mo activities highest ka" puri sa akin ni monique.

Katatapos lang namin mag bihis para sa ballet class, umupo ako sa bangko para itali ang pang paa ko. Ngayon araw kami mag peperform para sa subject na to, audition na din para don.

"Hoy dennise!"

"Oh"

"Kanina mo pa ako hindi pinapansin" pag daldal ni monique.

"Daldal mo kase, may iniisip pati ako"

Napasimangot naman siya, tumayo ako para mag practice ng isasayaw ko para mamaya, kelangan ng disiplina para sa ganito sayaw. I start to point my foot tapos nag simula na ako mag sayaw ng basic, sumabay na din sa akin si monique. Iniisip ko na lang may tutog tapos saka ako nag bubuo ng steps.

Tumigil lang kami ng tawagin na kami ng teacher namin, may nag sisimula na stage. Idividual ang gagawin, kasama na rin dito ang pag audition. Medyo kinakabahan ako dahil first time ko sumubok sa ganito, more on music kasi ako. Totoo pangarap ko din ito, pero natakot lang ako noong una kaya natagalan bago ako nag sayaw ng ballet. Nag stretching ako sa back stage, nag split ako inabot ko ang kaliwa paa ko gamit ang dalawa kamay. Nauna si monique mag perform, pinanood ko siya kung paano sumayaw. Hindi ko maiwasan humanga dahil napaka disiplinado niya. Malinis ang pag kakasayaw, basic lang pero nagawa niya ng tama.

Umusbong ang kaba ko ng tinawag ako, pumunta ako sa stage ng nakatungo. Ang mga kamay ko ay nanlalamig na dahil sa kaba.

"Hi po ako nga po pala si dennise" pag papakilala ko sa mga teacher na manonood sa akin.

"Okay nice meeting you, can you please proceed now" sabi nong bakla nag papaypay.

Sumenyas ako sa nag aassist ng music at saka ako nag simula, bawat pag tugtog ng musiko ay sinabayan ko, ang pag taas ng kamay at paa ko ay pino lamang, ultimo pag ikot ng katawan ko ay hindi basta lamang, kelangan maging magaan ang katawan para hindi mag kamali, nag papasalamat ako dahil nakikisama ang katawan ko, wala ako naging palkpak. Sinabyan ko ng emosyon ang pag sayaw ko para lalo gumanda ang kinalabasan. Para sa pag tatapos ng sayaw ko, Ang isa ko paa ay itinuon ko, inaangat ko ang kaliwa binti ko medyo yumukod at ipinantay ko ang kaliwa ko kamay sa nakataas ko binti at ang isa ko kamay ay nakalahad sa judges.

Pumalakpak sila lahat sa ginawa ko, pero maliban sa isa judges. Nakatingin lang siya sa akin na para ba sinusuri ako, umayos ako ng tayo, naramdaman ko na naman ang kaba haban nag uusap sila. Hindi ako mapirme sa kinatatayuan ko.

"Sorry pero kulang ang iyong pinakita dennise" sabi ng bakla judges

Nabigla ako, hindi ko alam ang sasabihin. Ngayon lang ako nareject na ganito kalala. Paano naman kasi sanay ako lagi maganda ang sinasabi sa akin.

"Hindi ka nababagay sa pagiging ballerina, iha" sabi ng isa matanda judges

"Pasensya na po kung nakulangan kayo, maari nga po hindi nga ako bagay sa ganito"

"Hindi ko nakikita ang presensya mo sa ballet, nakikita ko ang mga galaw mo sa contemporary dance" dagdag ng bakla.

What?

"P-po?"

"Subukan mo sumayaw ng contemporary dance dennise, sigurado ako magugustuhan mo yon" suhestyon niya pa.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon