🔥26

69 6 0
                                    

💛💛💛

Crown

Tulala ako habang nakatunghay sa baba ng teresa, dinama ko ang pag tama sa akin sikat ng araw, sa loob ng pitong taon ngayon ko lang ulit 'to nagawa. Pinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ko si Lawrence. Ang singsing na ibinigay nya sa akin ay hindi ko pa rin hinuhubad dahil umaasa pa rin ako babalik sya, babalikan nya pag katapos ng ginawa nya sa akin.

Simula ng nangyari 'yon hindi na ako kinausap ni kuya nathaniel, halos si Samantha lang ang dumadalaw sa akin dito sa kwarto. Ilang araw na nakalipas pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga mata ni Lawrence na puno ng galit.

Patawad aking heneral kung sinaktan ko ang 'yong anak.

Pinusod ko ang aking buhok saka ako lumabas ng aking kwarto, isang linggo ako nag kulong ngayon lang ulit ako lalabas. Pag bukas ko ng pinto saktong pag tingin ko sa taong nasa labas, seryoso sya habang nakapamulsa ang dalawa kamay.

"Ano ginagawa mo dito?" Tiningnan ko ang kaliwa't kanan bahagi ng hallway pero wala ako iba tao nakikita kundi sya lang.

"Binabantayan kita" tipid nya sagot

"Hindi mo na ako kelangan bantayan, kaya ko ang sarili ko"

Ngumisi sya saka sinuyod ang kabuuan ko, naka pang tulog pa ako, nawalan na kasi ako ng gana mag ayos ng sarili.

"Hanggang kelan ka mag kukulong sa boring mo kwarto prinsesa?" Seryoso nya tanong

Sinara ko ng tuluyan ang pinto ng kwarto saka sya hinarap.

"Wag mo ako tawagin prinsesa, hindi ako karapatdapat sa titolong 'yan"

Pinag krus nya ang dalawang braso, "nasaan na ang tapang mo dennise? Bakit parang nawala na sayo 'yon?"

Nanikip ang aking dibdib, naikuyom ko ang kamay ko. Ano gusto nya iparating sa akin?

"Ano ibig mo sabihin leonardo?" Nag tatakang tanong ko.

Umiling sya, "Hindi pa 'to ang katapusan ng lahat dennise, wag mo pahirapan ang sarili mo.. Hindi dapat si Lawrence ang iniisip mo parati.. Prinsesa ka! Mas kelangan ka ng Spanya kesa ng lalaking 'yon!"

"Wag ka mag salita ng ganyan! Hindi mo alam ang pinag dadaanan ko, kalahati ng buhay ko ang nawala! Dahil sa akin nawala sya!"

Kumunot ang noo nya, "Nag papatawa ka ba? Sa tingin mo kasalanan mo ang lahat? Hindi ikaw ang bumaril sa ama nya! Niligtas ka, hindi ikaw ang pumatay!"

Tumungo ako dahil sa nag babadya na pumatak ang luha ko.

"Pero bakit ako ang pinag bibintangan nya?"

"Hindi ko alam" mabilis nya sagot sa akin

Umiwas ako ng tingin, napasandal ako sa pintuan ko, nanghihina pa rin ako.

"Wag mo gawin mundo ang taong hindi ka naman ginawa mundo, wag mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Subukan mo harapin ang kasalukuyan ng mag isa." Mahinahon nya sabi sa akin

Napaupo ako ang dalawa ko kamay ay pinatong ko sa akin tuhod. Nakatitig lang ako sa kawalan, naguguluhan na naman ako.

"Ano gagawin ko, nahihirapan ako"

Tumabi sya akin, pareho na kami nakaupo.

"Piliin mo ang spanya dennise, mas kelangan ka nila" humilig ako sa kanya balikat nya saka pinakawalan ang aking luha.

"Paano si Lawrence? Paano ang pinsan mo Leonardo"

"Pakiusap dennise, wag mo muna sya isipin ngayon.. Mas importante ang simbolo.. Hindi ka nya babalikan pa, kaaway na ang tingin nya sayo"

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon