🔥29

72 6 1
                                    

💛💛💛

THE TRUTH

Nagising ako na mag isa lang sa kwarto, bumangon ako sa aking kama. Maayos na ang pakiramdam ko, humarap ako sa salamin at pinag masdan ang aking sarili, tinignan ko ang kabuuan ko. Bumalik na sa normal ang pakiramdam ko maging ang mga kamay ko ay hindi na nanginginig.

Tumagilid ako para tingnan ang balikat ko, umawang labi ko nang makita ko ang tanda hinawakan ko ito para damahin. SUN SYMBOL

Panahon na ba talaga para tanggapin ko ang simbolo? Pero paano, bakit napaaga akala ko ay dalawa taon pa.

"Binibini" tawag sa akin ng katulong, lumingon ako sa kanya nakayuko lang sya habang nag hihintay ng sagot ko.

"Bakit?"

"Pinasasabi po ng iyo kapatid, mag handa daw po kayo dahil may pag pupulong na gaganapin mamaya"

"Sige, makakaalis kana"

Pumunta ako sa banyo, hinubad ko lahat ng saplot. Malalim ang aking pag iisip habang nakatapat ako sa shower. Tinapos ko ang paliligo ng walang iba inisip kung hindi ang nangyari kagabi.

Hanggang saan ko kayang kontrolin ang lakas ko, tunay ba na kaya ko mag labas ng apoy. Ang alam ko liwanag lang ang ipinag kaloob sa akin, bakit si nathan ay may kapangyarihan din. Ano ba ang hindi ko pa alam sa pamilya ko, sino ba talaga kami, ano uri kami tao. Tao ba talaga kami o hindi.

Kinuha ko ang roba ko saka ko sinuot nag lagay na rin ako ng towel sa ulo para hindi tumulo ang tubig galing sa buhok ko. Kumuha ako sa closet ko ng dress na kulay white na plain lamang, saka ako nag lotion sa katawan.

Ilang katok sa pinto ang narinig bago ako nag salita pag katapos ko mag bihis. Bumungad si leonardo, mag kasalubong ang kilay nya nang pasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Hindi ka pa rin handa, kanina pa sila nag hihintay sayo"

Nag lagay lang ako ng light lipstick, isang pasada tingin lang ang ginawa ko sa salamin, saka humarap sa kanya.

"Tara na" yaya ko

Inintay nya ako makalabas saka sya sumunod sa akin, nangunguna sya sa pag lalakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Nag sisimula na ako mag taka dahil iba ang dinadaanan namin, pero nandito pa rin kami sa loob ng mansyon.

"Bilisan mo, ako ang malilintikan pag nag tagal pa tayo"

Napanguso ako, ang laki ng pag hakbang nya samantalang ako lakad takbo na ang ginagawa ko para lang maabutan ko. Ang hirap pag matangkad ang kasama mo, ikaw ang nag aadjust para lang makasabay mo sya sa pag lalakad.

"Puwede ba sabihin mo sa akin kung saan tayo pupunta?" Irita tanong ko

"Manahimik ka nandito na tayo" bumunggo ako sa kanya likod ng bigla sya tumigil

Hinimas ko ang noo ko, tiningnan ko naman ang isang pinto na kulay gold, may nakaukit na buwan at araw na disenyo. Namilog ang bibig ko, hindi ko akalaing may ganito pinto sa bahay namin. Tumingin ako sa kaliwa at kanan, nangilabot ako dahil napaka dilim ng mag kabilang dulo, maliliit na ilaw lamang ang nag bibigay liwanag sa amin ni leonardo.

"Ready kana?"

"Saan ano ibig mo sabihin?" Naguguluhan ako

Hindi sya umimik bagkus binuksan na nya ang pinto, napakapit ako sa laylayan ng kanya damit dahil bigla ako kinabahan sa mga nakikita ng mata ko.

Yumuko si leonardo ng makapasok na kami dalawa sa loob, napakagat ako sa labi hindi ko alam ang gagawin ko. Gumaya na lang ako sa katabi ko, narinig ko naman nag salita si leonardo ng tumayo ka ng maayos. Kaya bigla ko tinuwid ang katawan ko.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon