🔥34

68 4 0
                                        

💛💛💛


Kinuwit ko ang balikat ni Leonardo, nasa likod nya lang ako. Nanonood sya ng ensayo ni Nathan at Samantha sa Arena.

Hindi nya ako nilingon, kaya kinuhit ko ulit ang balikat nya.

Pero ang gago, humakbang ng isa paunahan at pinag krus ang mga braso habang seryoso nanonood sa dalawa ko kapatid.

Humakbang din ako paunahan para kuhitin ulit ang braso nya.

Masamang tingin ang binigay nya sa akin.

Ngumuso ako, nakakatakot kase ang mata nya mag kasalubong ang kilay nya makapal tapos seryoso tumingin sa akin na para ba ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Lumayo sya sa akin, sinundan ko ulit sya.

Kukuhitin ko sana ulit ang braso nya pero bigla sya lumingon kaya kinagat ko na lang ang daliri ko, saka bumalik sa puwesto ko.

Humaba lalo ang nguso ko nang hindi na sya lumapit sa akin.

Kaya napag pasyahan ko na lang umupo at manood sa dalawa ko kapatid.

Naboboryo na ako dito! Kanina pa kami nandito sa training area, nasa arena si sam at nathan, sila ang mag kalaban ngayon. Kapangyarihan ang gamit nilang dalawa, dehado si Samantha dahil dark magic ang ginagamit ni nathan, samantalang sya naman ay hangin lang.

Napapailing na lang ako pag nag pipigil si nathan ng enerhiya, para hindi masaktan ng husto si Samantha.

Ilang beses ko sinabi sa kanila, dapat hindi sila ang mag kalaban dapat iba ang kalaban nila para hindi sila mag pigil. Tss

Umayos ako ng upo ng makita ko papalapit si Leonardo sa puwesto ko.

Umupo sya sa dulo ng sofa, habang nakakrus ang mga binti at braso.

Napaka seryoso!

"Wag mo ako tingnan" Sabi nya sa akin, pero nasa dalawa ko kapatid ang atensyon nya. "Manood ka sa kanila, wag ka mangulit sa akin" dugtong nya pa.

Napabuntong hininga ako, siguro buwanan dalaw nya ngayon kaya ang suplado nya.

"Hindi ako babae, kaya wala ako dalaw" nabilaukan ako, dahil sa sinasabi nya.

Uminom ulit ako ng tubig, saka kinalma ang sarili ko.

Luh, paano nya nalaman ang nasa isip ko!

"Malamang kapangyarihan ko yon!" Lumingon sya sa akin, may nakakaloko ngiti ang sumilay sa kanya labi.

"Nababasa mo ang nasa isip ko?" Nag tataka ako ng tumingin ako sa gawi nya.

"Oo, kaya mo diba ako kinukulit kase gusto mo mag pasama sa ice cream parlor diba?" Tumawa sya ng mahina.

"Alam mo naman pala, bakit mo ako nilayasan!"

"Kaya mo naman mag isa e, bakit hindi ka umalis ng ikaw lang?"

"Tss, ano klase ka bantay! Papabayaan mo talaga ako?"

"Kahit mag pasama ka naman sa akin tumatakas ka pa rin"

Hindi naman ako tumatakas e, may nakikita kase ako bago design na damit kaya iniiwan ko sya bigla pag nasa mall kami.

"Hindi naman e" pag tutol ko

"Mag focus ka sa training dennise, wag puro pag kain ang atupagin mo!"

Ngumuso ako, nilaro ko ang daliri ko habang masama ang loob ko sa kanya. Gusto ko sya murahin sa isipan ko kaso, nababasa nya ang nasa isip ko. Kaya wag na lang!

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon