🔥38

70 4 0
                                    

💛💛💛

Naging maayos ako pag kagising ko ng umaga, umaliwalas ang aking presensya dahil sa ginawa nya sa akin, tumakbo ang oras at araw na mag isa ako lagi sa bahay ni Lawrence, hindi na muli sya nag pakita sa akin. Pinanindigan ko ang desisyon ko, hindi na ako nilapitan ni Samantha at nathaniel pag nasa school, madalas ko nakakasabay sa pag kain ay si leonardo o kaya si Monique. Minsan sumusulyap sa akin si nathan, pero tinitiis ko wag sya lapitan. Kinakamusta pa rin ako ni mommy amely kay leonardo, araw araw yon walang palya. Naging abala sila dahil sa papalapit na expansion ng kompanya, doble ang gawa ni Nathan ngayon, minsan palihim ako tumutulong sa kanila, inutusan ko si leonardo sa akin ibigay ang ibang gawain ni nathan, para naman mabawasan kahit papaano nag aalala ako sa kanya dahil baka lagnatin sya dahil sa kapabayaan sa sarili katulad noon. Updated ako sa kanila kahit nag layas ako, nag aalala pa rin ako.

Pag aaral, ensayo at iba konektado sa akin ang aking pinag kakaabalahan habang malayo ako sa kanila. Alam ko naman may idea na sila kung nasaan ako, pero bilang respeto sa desisyon ko hindi sila pumupunta sa bahay namin ni Lawrence, madalang pumunta si leonardo sa bahay dahil yon ang utos ko. Habang mag isa ako minsan nag babasa ako ng libro tungkol sa spanya, bumabalik naman sa alaala ko kung ano ba ang itsura ng palasyo. Pero sa kabila non, wala pa rin ako idea tungkol sa maharlika, parang nabura na sila sa history ng spain.

Ngayon na ang final exam namin sa mga subjects namin. Buong week examination namin, dahil mag eexam na din kami para sa mga schools na pwede namin pasukan tsaka kung ano ba ang dapat namin kunin course na babagay sa amin. Then next week malalaman na ang results noon.

Tahimik ang buong classroom, nag uuli ang bantay namin. Pag hinga ko lang naririnig ko pati na rin ang pag lalakad ng bantay namin.

Wala kami pansinan ni Monique mag kasalubong kanya kilay habang nag sasagot sa test paper nya.

"10 minutes na lang guys" anunsyo ng bantay namin.

Nireview ko ang mga sagot sa test paper ko, hindi isang daang pursyento ako kampante sa sagot ko pero ayos na rin, hindi naman importante sa akin ang score. Ang importante makapag tapos ako ng high school.

Tumayo ako at pinasa ko sa proctor namin ang test paper. Pag katapos non ay bumalik na ako sa pwesto ko.

Lumingon ako kay Monique, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya bago tumayo at mag pasa.

"Ayos ka lang?" Mahina ko tanong nong makabalik sya sa upuan nya.

"Ayos lang ako, medyo kabado lang, kelangan ko makapasa. Kung hindi man kita matalo sa rankings kahit sa exam lang matalo kita, hihihi"

"Monique, diba may rules tayo dalawa?"

"Joke lang! Napaka seryoso mo, oo alam ko bawal tayo makipag kompetensya sa isa't isa. Alam ko rin ayaw mo ng ganon"

Nakahinga ako ng maluwag, "Tandaan mo numero lang yon, mas importante ka sa akin. Paki tatak sa kokote mo ha!"

Ngumuso naman sya, "Oo na, hindi naman ako nakikipag taasan ng score sayo e, joke nga lang yon. Tsaka alam ko naman mas matalino ka talaga sa akin, Hahaha"

Hindi namin namalayan ang oras ni Monique dahil naka focus kami sa exam, kung wala pa kami bell na maririnig hindi pa kami tatayo sa pag kakaupo.

Niyaya nya ako sa canteen, libre nya daw ako ng lunch. Mag kahawak kamay kami dalawa habang binabaybay ang pasilyo, minsan clingy sa akin si Monique palibhasa walang kapatid kaya sa akin binabaling ang lahat, bagay talaga sila ni Nathaniel.

Wala na nag tangka mag parinig sa amin dahil sa ginawa ni Nathaniel kay kim, hindi nga nag bibiro noon si nathan dahil sabi sa akin ni leonardo, si nathan na ang may hawak ng kompanya nila. Nag drop out na rin dito sa school si kim.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon