🔥15

69 3 0
                                    

💛💛💛

"Ate gising"

Agang aga nabubusit ako sa boses ni Samantha, hindi ko siya pinansin nag taklob ako ng kumot hanggang ulo.

"Ate dennise, wake up!"

"Leche ka, wag ka maingay!"

"Ate may pasok ka pa, bumangon kana"

"Wala ako pakealam!"

Pilit niya inaalis ang kumot sa akin, hinihigpitan ko naman ang kapit. Ayoko pa talaga bumangon, pakiramdam ko kulang pa ang tulog ko.

"Ate major subject mo ngayon, akala ko ba gusto mo ng architecture, baka hindi ka maging valedictorian nyan pag panay ang absent mo"

Nakasampa na siya sa kama ko, paulit ulit niya ako niyuyogyog, hindi pa din ako nag papatinag.

"Umalis ka dyan, naiirita na ako sayo!"

"Ate naman e, ngayon na din ang result ng 2nd quarter niyo, makikita na sa bulletin ang over all grade mo, bumangon kana kase diyan!"

"Punyeta Samantha! Tigilan mo ako!"

"Bumangon kana kasi dennise!"

Nag init naman ang dugo ko dahil sa pag tawag niya sa akin, inalis ko ang kumot ko sa mukha at hinarap siya.

"Ano tawag mo sa akin?"

"Dennise"

"Wala ka galang a, gusto mo masapak?"

"Paano kasi nag iinarte ka pa! Gusto mo isumbong kita kay daddy?"

"Subukan mo, sa labas ka matutulog, sa opisina ako papasok! Kaya lumayas kana dito!"

"Si kuya na pumasok don, kaya ikaw pumasok kana sa school! Kelangan mo mag aral"

"Punyemas! Oo na papasok na ako, lumayas kana dito"

"Siguraduhin mo ate ha, pag ikaw hindi pa bumaba sa loob ng isang oras, bubuhusan kita ng tubig dito!"

Umalis siya sa kama ko, sinamaan niya muna ako ng tingin bago tuluyan umalis ng kwarto ko.

Saan kaya niya nakuha ang lakas ng loob para gawin yon, may pag kabossy din ang walang hiya e. Sarap kutusan!

Wala ako nagawa kundi kumilos na din, maaga pa naman kaya medyo hindi ako mag madali sa pag aayos, katulad ng ordinaryo ko routine ginawa ko yon sa loob ng isang oras. Schedule ko talaga ngayon para pumasok sa school, magaling na din si nathan kaya medyo nakahinga ako ng maluwag, pag papasok ako sa school siya naman ang papasok sa opisina. Ganon ang pinag usapan namin, mas lamang nga lang siya dahil mas kelangan siya doon, college na naman siya kaya nag paadjust siya ng schedule hindi ko katulad high school pa lang, hati ang obligasyon ko sa school at opisina, mahirap maging isa Villarreal hindi madali maging isa anak ni daddy.

Lumabas ako ng kwarto at dumerecho sa kusina, kami lang ni Samantha ang kakain ngayon, nauna na umalis si nathan, ganon siya lagi mas nauuna pa kesa sa empleyado, pero huli pa din umuuwi. Kadalasan siya na lang ang tao sa buo building nandoon pa din siya. Masama tumingin si Samantha ng umupo ako sa harap niya, kung ano problema nya sa akin wala ako pakealam.

"Ano problema mo kanina ka pa masama ang tingin sa akin!" Irita ko sabi sa kanya.

"Paano kasi inaalala ko ang magiging result ng 2nd quarter mo ate"

"Wag mo na alalahanin yon! Ang alalahanin mo ang iyo, pag ikaw wala ka sa top one, kukunin ko lahat ng allowance at gudgets mo"

"Dadali ka na naman! Para ka si daddy, ikaw ata ang nag mana doon e"

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon