💛💛💛
"Where are you" umirap ako sa kawalan ng marinig ko ang boses nya sa kabila linya.
"On the way na!" Sigaw ko sa kanya. Bahal sya kung mabingi sya sa sigaw ko.
"5 minutes na lang mag sisimula na ang meeting, napaka bagal mo talaga! Naunahan ka pa ng kuya mo." Nainis naman ako sa sinabi nya. Kapal talaga ng apog nito kahit kelan!
"Wala ako pake leche ka!" Pag katapos ko sabihin yon pinatay ko na agad ang tawag, ibinalibag ko ang cellphone ko sa dashboard ng kotse ko. Pero parang gusto ko mag sisi nang naisip ko na baka masira ang cellphone ko.
Bobo mo Dennise!
Pinaharurot ko na ang kotse, uusok na ang ilong non pag late na naman ako! Malay ko ba hindi nag alarm ng maaga alarm clock ko. Leche
Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba sa kotse, ibinigay ko sa panget na lalaki susi ko para sya na mag park non. Itinaas ko ang salamin ko at nag lakad ng taas noo sa harap ng empleyado dito. Pinag taasan ko sila ng kilay nang may haharang pa sana sa akin. Subukan lang nila yari sila sa akin.
Sinigurado ko maamoy nila ang pabango at hahanga sila sa suot ko, kaya sinadya ko bagalan lakad ko. Napangisi naman ako nang may pumuri sa akin, kinig ko yon kahit binulong nya lang.
Pero nasira lang ang pag momodel ko nang makita ko si Lawrence na nakaabang sa labas ng elevator, tiningnan nya ang relos nya bago tumingin ulit sa akin. Umiling sya sa akin ng pinag masdan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Bilisan mo Villarreal" utos nya sa akin. Sa halip na sundin ko sya binagalan ko ko pa lalo, nang maubos na ang pasensya nya hinila na nya ako at pumasok na kami sa elevator. Binawi ko agad ang braso ko sa kanya nang makapasok na kami. Nakapamewang lang sya habang nag hihintay makarating kami sa floor na pupuntahan namin.
"Tayo na lang wala sa meeting, ang bagal mo kasi" sisi nya sa akin.
"Pake ko!" Asik ko sa kanya. Sa halip na pansinin ako lumabas na agad kami, hila na nya ako. Kakainis mawawala ang poise ko dito!
Binitawan nya lang ako nang makapasok na kami sa meeting area. Taas noo ako umupo sa kulay pink ko upuan. Pumunta sya sa unahan, may inayos lang sya sa laptop nya at nag sinimulan na nya ang meeting. Isa ako sa board of director, kakatawa nga isipin sa edad ko ito! Nasabak na agad ako sa ganito.
Nakinig lang ako sa kanya, iniirapan ko lang sya pag tumitingin sya sa akin. Ipinapaliwanag nya kung paano bumababa ang sale namin sa market, tapos nag bibigay ng opinyon ang iba para mapataas ulit ito.
Pinapakinggan ko lang sila. Wala ako pake sa usapan nila. Si Lawrence ang bahala sa marketing, ako sa finance, mommy ko ang president. Daddy ko ang CEO Kuya ko ang Vice president. Si Samantha na lang ang kulang para buo na kami dito.
Ewan ko ba kay daddy, bakit nya kinuha si lawrence. Kung ako sa kaniya tanggalin na lang nya si Lawrence kaya ko naman sa marketing e. Sa kanya pa talaga binigay yon!
Kahit may kanya kanya kami posisyon dito nag tutulungan pa din kami. Hindi pa man nakakgraduate si kuya ng college may negosyo na sya. Ibinigay ni daddy yon sa kanya. Kaya doble stress nya ngayon.
"Dennise ano masasabi mo sa opinyon ng iba" tanong sa akin ni daddy.
"Para sa akin approved yon"
Pinag taasan ako ng kilay ni Lawrence. Alam nya kasi hindi ko naman iniintindi ang pinag uusapan nila. Ngumiti lang ako sa kanya ng napaka ganda ganda. Kaya agad sya umiwas, natawa naman ako sa pag lunok nya at saka binaling sa iba ang atensyon. Iba talaga ang karisma ko pag dating sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...