🔥16

62 3 0
                                        

💛💛💛


Bumangon ako sa pag kakahiga ko, ramdam ko pamamaga ng mga mata ko, gabi na ng nagising ako. Nakauniform pa din ako, pero nakakapag taka lang naiba ang pwesto ko sa pag kakahiga.

Siguro inayos ni nathan ang higa ko.

Hinubad ko ang suot ko uniform, wala ako tinira na saplot, nilugay ko ang buhok saka ako pumasok ng banyo para mag linis ng katawan. Dinama ko ang pag patak ng tubig, naalala ko na naman ang nangyari sa campus.

Ayos na kaya si leonardo, hindi ko naman talaga sinasadya e. Kasalanan ko ba kung tanga siya, hindi niya ba alam na ganoon ang ginagawa ko.

Naalala ko din ang ginawa ni Lawrence, balewala lang sa kanya, kahit nakikita ko kung paano siya landiin ng higad na yon! Umusbong na naman ang inis ko sa katawan, gusto ko siya lunurin sa asido. Bigla ko na naman naalala ang gaganapin na party sa sabado, panigurado pupunta yon nandoon kasi si Lawrence.

Gusto niya talaga makita ang bitch side ko? Sige pag bibigyan kita. Sisimulan ko sa party.

Tinapos ko ang paliligo, nag sipilyo ako ng dalawa beses, pag katapos noon nakaroba ako ng lumabas sa banyo. Kumuha lang ako ng malaki T-shirt then undies, yon lang suot ko, umupo ako vanity then I start to brush my hair, nag lagay na din ako ng konti cream para maging smooth pa din ang mukha ko. Nalibang ako sa pag susuklay, pinag mamasdan ko din ang mukha ko.

Para nga ako tanga, tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang wala sa akin na meron si Zy. Napapailing na lang ako, obvious naman kasi mas lamang ako sa kanya.

Hindi ko sinasadya napatingin ako sa sliding door ko which is pinto siya papunta sa terrace ko. May konti awang ang kurtina, may ilaw naman sa terrace, pero bigla ako nangilabot dahil may anino ako nakita doon, may mga pares din ng mata na nakatingin sa akin. Nag simula mangilabot ang buo ko sistema, nag panggap ako na hindi ko siya nakita. Tinuloy ko ang ginagawa ko, bigla ko naman naalala ang suot ko. Kahit kabado ako pinilit ko pa din wag mag isip ng kung ano.

Nilakasan ko ang loob ko, tumayo ako at kumuha ng roba sa closet ko Nang nakakuha na ako sinuot ko agad yon, nag kunwari ako na may inaayos sa closet ko pero ang totoo nag dial ako ng number ni nathan pang incase of emergency lang nilagay ko ang cellphone ko malapit sa terrace pasimple lang ginawa ko, nanginginig man, pinilit ko pa din humakbang para tingnan kung sino yon, dumampot ako ng vase malapit sa may tv ko, binuhay ko ang lahat ng ilaw sa labas, ang lakas ng pag kabog ng dibdib ko dahil sa sobra kaba, dahan dahan ko binuksan ang lock ng sliding door ko, ulo ko lang ang nilabas ko tiningnan ko muna kung may tao ba o wala.

Napabuga naman ako ng hangin ng wala ako makita, lumabas ako ng tuluyan nang macheck ko ayos at safe na. Nang maisip ko praning lang ako, humakbang na ako pabalik. Napairit naman ako agad ng may bigla humila sa akin.

King ina!

Naka all black siya, mata lang ang makikita mo sa kanya, pero alam ko lalaki sya base sa hubog ng katawan, kinabahan lalo ako dahil pilit niya ako hinihila kung saan. Kokonti lang ang alam ko sa martial arts, nag sisisi tuloy ako ngayon kung bakit hindi ako nag aral noon, ang tangi nagawa ko na lang mag sisigaw at mag pumiglas.

Sa isip ko, sana nasagot na ni nathan ang tawag ko! Sana umuwi siya agad. Hindi ko kaya ang isa ito. Bigla uminit bigla ang dugo ko nang mahawakan niya ang boobs ko, nang makakuha ako ng tyempo siniko ko ang sikmura niya, nang lumuwag ang kapit niya tumakbo agad ako, pero may isa pa siya kasama! Hindi ko alam kung saan nang galing ito.

Nalintikan na! Nasaan ang mga guards!

"Heeeelp!" Sigaw ko, napairit naman ako ng bigla ako sunggaban nong isa.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon