🔥40

400 6 0
                                        

"Pre, ikaw ba yan?"

Kumalas ako sa pag kakayakap kay kay Lawrence, nang marinig ko ang boses ni Nathan.

Humarap sya sa mga kapatid ko, "Oo pare ako ito, limot mo na agad ang mukha ko?"

"Loko ka!" Lumapit si kuya saka yumakap kay Lawrence

"Namiss kita brad, hindi ko inaasahang susulpot ka sa mismong birthday ng kapatid ko"

"Hahaha, wala naman sa plano ko talaga na mag pakita agad sa inyo, kaso hindi ko matiis ang mahal ko"

"Psh, kaya pala may kakaiba ako naramdaman na presensya dito sa bahay, nandito ka pala kuya Lawrence" si Samantha

"Hahaha, oh! Lady Annalise nandyan ka pala" lumapit din sya kay Samantha at nag high five silang dalawa

"Kamusta kayo, habang wala ako?" Tanong pa ni Lawrence

"Parang hindi mo naman kami sinusubaybayan mula sa malayo pare" nag akbay pa silang dalawa ni nathan, "Gusto ko ikwento nyo sa akin pag katapos ng birthday ni Denden" sabi nya pa kay kuya.

"Ikaw dapat ang mag kwento sa amin, lalo na sa kapatid ko. Pati ako naloko mo! Akala ko talaga patay kana!" Singhal ni nathan sa kanya

Sumulyap sa akin si Lawrence, "O, well parte yan ng plano, pare"

"Hahaha, talino mo talaga Lawrence Christian"

"Syempre naman, kaya nga nag work ang plano diba?"

Nag tawanan silang dalawa habang nakatayo lang kami ni Samantha.

"Bakit nandito kayo kuya?" Tanong ko sa kapatid ko

"Babatiin ka sana namin, diba birthday mo? Kaso naunahan kami ni Lawrence e, akala ko pa naman kami ni sam ang una"

Lumapit sa akin si kuya saka ako niyakap, "I love you, happy birthday princess"

"Thanks kuya"

"Happy birthday, ate"

"Thanks bunso" hinalikan nila ako sa pisngi.

"O, ala una na ng umaga! Tama na ang pag labing labing nyo ni Lawrence, denden baka maabutan kayo ni daddy mag kasama. Pareho kayo mapapagalitan" si kuya

"Bilis naman ng oras, gusto ko pa sya makasama e" reklamo ni Lawrence

"Makakasama mo pa naman sya e, wag ka mag alala kuya Lawrence nandito lang si ate sa bahay" Samantha

Tumingin sa akin si Lawrence, ngumiti naman ako sa kanya

"Sige na, umuwi kana mag kita na lang tayo mamaya" mahinahon ko sabi sa kanya

Hinila nya ako papalapit sa kanya, saka ako niyakap.

"Hindi na kita iiwan, I love you" bulong nya pa

"Oy tama na yan!" Pinag hiwalay na kami ni nathan, umakbay sa akin sya sa akin.

"Damot mo pre"

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon