💛💛💛
WARNING: Chapter 33 muna puntahan nyo bago ito 😭.
A/N: Nag loloko ang wattpad, nag kakaramble ramble ang iba chapters nito. Actually stress na ako! Kanina pa ako badtrip, sinisira imagination ko e. Hehehe Btw, aayusin ko muna bago ko tapusin 😞
--
Itinaas ko ang aking kamay para abutin ang araw na papalubog na Kahit imposible maabot ko yon ay ginawa ko pa rin. Pakiramdam ko kasi si Lawrence ang inaabot ko tuwing ginagawa ko ito, nakikita ko si Lawrence sa pamamagitan ng liwanag nakikita ko ang mga ngiti nya na sa akin nya lang ginagawa.
Senior's ball ngayon pero heto pa din ako nasa teresa ng aking kwarto pinag mamasdan ko ang papalubog na araw. Kung buhay lang sana ngayon si Lawrence sya sana ang aking magiging kapareha, Makikita nya sana ang aking kasuotan.
"Dennise ready kana ba" Tanong ni nathan mula sa likuran ko, sya ang mag hahatid sa akin sa school kung saan gaganapin ang seniors ball.
Bumuntong hininga ako saka humarap sa kapatid ko, tipid ang aking pag kakangiti sa kanya, nilahad nya ang kamay sa akin inabot ko naman ang kamay ko, marahan nya ako hinila sa kanya tabi.
"Smile dennise, party ang pupuntahan mo hindi burol"
"Kuya naman e"
"Biro lang kapatid, tara na mag sisimula na ang programa sa school nyo nandito ka pa"
Suot ko ang gown na pinatahi ni mommy mula sa France, kulay maroon na may desenyong kulay ginto sa laylayan ng gown ang suot ko. May malaking ribon din sa likod na may densenyong ginto din sa gitna. Medyo mabigat sya dahil mabulad at gawa na rin sa mga desenyo. Ang aking buhok ay kinulot at nilagyan ng mga bulalak na maliliit. Pinaka huli ay ang korona na kulay ginto din hindi sya malaki katamtaman lamang. Tama lang din ang aking kolorete sa mukha pati na rin ang alahas ko.
Inalalayan ako ni nathan makababa ng maayos sa hagdanan, nakaabang naman si leonardo sa baba. Nakingiti sya habang pinag mamasdan ako, ngayon ko lang napag tanto na may pag kakahawig sya kay Lawrence pareho sila ng mga mata.
Nilahad ni leonardo ang kamay sa akin, inabot ko naman ang akin. Nagulat naman ako ng halikan nya ang likod ng palad ko habang nakayuko sya. Nag tama ang aming mata, ngumiti naman ako sa kanya.
"Magandang gabi leonardo" bati ko
"Magandang gabi mahal na prinsesa" bati nya rin.
Tumikhim si nathan kaya binawi ko agad ang kamay ko kay leonardo, pakiramdam ko nag tataksil ako sa oras na ito.
"Halika na, mahuhuli kana" umalalay ulit sa akin si nathan, hindi ko na nilingon ulit si leonardo iniwan namin sya nakatayo lang.
Pangunahing panauhin ang pamilya ko sa party, halos lahat ng mga magulang ng studyante ay pupunta rin sa school dahil may salo salo din silang lahat sa hinandang handaan ng pamilya ng mga Velasquez.
Despidida ko na rin ito, dahil pag katapos ng graduation. Aalis na ako ng pilipinas.
Dalawa ang pupuntahan ko una ang seniors ball namin pangalawa ang despidida ko sa bulwagan ng mga Velasquez.
Hindi na dapat itutuloy ng mga stock holders ang seniors ball pero nag pumilit ako ituloy yon, dahil gusto ko rin maranasan mag kutilyon, mabuti na lang pumayag si daddy kaya natuloy na.
Halos sa bahay na ako nag aaral dahil pinag sasabay ko ang ensayo at pag aaral. Ako na rin ang nag kusang sa bahay na lang mamalagi para sa kaligtasan ko. Naging agresibo ang mga taga timog dahil nalaman nilang buhay pa rin ako, kaya nabalewala ang kamatayan ni Lawrence. Ilang beses kami sinugod sa bahay ng ilang espiya nila, kaya nabahala lahat ng emperyo sa kaligtasan ko. Naging doble ang seguridad sa mansyon, si leonardo na ang naging bantay ko tuwing nag eensayo ako.
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...