🔥28

70 5 4
                                        

💛💛💛

Abala ako sa pag himas ng balahibo ni snow habang nakikinig ako sa kanilang pag uusap. Nandito kami ngayon sa hacienda ng mga Imperial, inimbitahan kami ng magulang ni lucas para mag ensayo sa malawak nila lupain, nag uusap ang mga lalaki kung ano magiging laro namin ngayon.

"Sasali ka dennise?" Tumabi sa akin si Monique

"Depende, pag maganda ang laro sasali ako"

Lumapit kami sa mga armas na nakahilira sa mahabang lamesa, lahat ay magaganda, lahat nakakapatay ng tao. Pero iisa lang ang gusto ko gamitin, yun ang paborito ko. Bow and arrow

Kumuha ako ng palaso saka inasinta, itinutok ko ang hawak ko kung nasaan ang isang kambing malayo sya sa amin, pero kaya ko sya patamaan.

Pinakawalan ko ang palaso, napangisi ng matamaan ko ang kambing sa mismong tyan.

"Halaaa! Bakit mo pinatay ang alaga ko ate dennise!" Pag mamaktol ni lucas

Narinig ko naman tumawa ang iba, kumuha ulit ako ng isa saka inasinta sa mismong prutas na nasa isang lamesa. Pinakawalan ko ulit ang hawak ko, kita ng dalawa ko mata ang pag biyak ng pakwan sa dalawa.

"Idol!" Sigaw ni leo

"Dennise, pumunta ka dito" lumapit ako sa kapatid ko, pinalilibutan nila ang isang bilog na lamesa.

"Ano kelangan mo?" Walang gana ko sabi sa kanya, binitawan ko hawak ko saka tumingin sa mga kasama ko.

"Sasali ka sa laro namin?" Tanong ni leo

"Ano klase laro?"

Ngumisi sya, "patayan, pero may twist" sagot nya

Kumunot ang noo ko, "Anong laro ba yan? Ano ang mechanics?"

"Mag lalaban tayo ni leo, Lawrence, ako, at leonardo. Matira matibay kelangan mo patamaan sa braso hita o daplis lang ang kalaban mo para maalis sya sa game" paliwanag ng kapatid ko.

"Ang twist naman, pag dalawa na lang natira kelangan, may isang bagay sila ipupusta." Singit ni Lawrence

"Ano naman ang ipupusta ko?" Naguguluha tanong ko

"Halimbawa bahay nyo o kaya kotse, yong mga ganoon" leo

Tumaas ang kilay ko sa mga sinabi nila, pisikalan ang laro na naisip nila Mukhang mag eenjoy ako.

"Sasali ka babe puwede naman hindi na--" tinakpan ko bibig nya. "Sasali ako" seryoso ko sinabi.

"Delikado buhay ko" bulong ni leo

Bumuntong hininga si nathan, "Espada at palaso ang gagamitin, bawal gumamit ng baril o kaya iba pa armas" nathan

"Pisikalan ang laro nyo, seryoso ba kayo dyan?" Monique

"Mukha ba kami nag bibiro babae?" Banat ni nathan

Ngumuso si Monique, inakbayan sya ni leo saka ginulo ang buhok nya.

"Umupo kana doon monique, panoorin mo kame" wala nagawa ang kaibigan ko, pumunta sya nakanguso sa gawi ni Samantha.

"Hindi ba kami puwede sumali?" Singit ni lucas, napalingon kami sa kanila, kasama ni Samantha ang mga kaibigan nya habang nakaupo sa damuhan.

"Hindi." Ako na ang sumagot, bumuntong hininga lang si lucas.

Sinabi sa amin ni nathan na gagamit kami ng kabayo, kumuha ako ng gagamitin ko sa lamesa. Sinigurado ko marami ako palaso at matalas ang espadang gagamitin ko bago ako sumakay kay snow.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon