💛💛💛
AN: HI, KUNG SINO MAN MAKAABOT DITO SA CHAPTER NA 'TO. PWEDE BA MAG IWAN KAYO NG ONE DOT. PARA MALAMAN KO KUNG SINO NAG BABASA NG GAWA KO, GUSTO KO KASE MAG PASALAMAT SAINYO 😊
---
Bihis na ako, pero nasa tabi pa din ako ni Lawrence. Nakatitig lang ako sa kanya, pupunta ako ngayon sa hacienda namin katulad ng sinabi ko sa kanya kahapon.
Pero hindi ko siya maiwan, nag aalala ako baka hanapin nya ulit ako katulad ng kahapon.
Sabi ng doctor mabilis ang response ni Lawrence sa medication, kinatuwa ko naman yon. Gusto na nya talaga makalabas dito.
"O, nandito ka pa dennise?" Tanong ni leo, galing sya sa labas
Sya ang nag presinta mag bantay kay Lawrence habang wala ako, wala si nathan ngayon may meeting sa kompanya doon sya naka focus ngayon.
"Wala ako leo, rebulto ko lang 'to"
"Talaga? May nag sasalita pala rebulto, HAHAHA"
Sinamaan ko sya ng tingin, ang loko umupo lang sa sofa binuhay nya ang Tv, ipinatong ang dalawa paa sa lamesa. Napailing na lang ako, para hindi nag aral Xavier ang attitude pang buang lang!
"Wag mo ako titigan, baka mainlove ka pa sa pogi ko mukha" mayabang niya sabi sa akin
Kapal ng mukha!
Inayos ko ang buhok ni Lawrence, hinalikan ko sya ulo saka inayos ang kumot nya.
Kinuha ko ang Gucci ko bag sa upuan, saka pumunta sa harap ni leo. Sinadya ko humarang sa tv para sa akin ang atensyon nya.
"Alam ko maganda katawan mo pero wag ka naman humarang sa tv!"
"Manyak ka! Hoy! Leo pakainin mo si Lawrence ha!" Nakapamewang ako habang pinandidilatan ko sya.
Napakamot naman sya sa ulo, "Alam ko na yon dennise, at alam ko din tatawagan kita pag may emergency! Ilang beses mo na yan sinabi sa akin e.. Record ko na kaya?"
"Leche ka! Ayusin mo kung ayaw mo mawalan ng kompanya!"
"Woah! Wag mo naman idamay kompanya namin dito, alam ko makapang yarihan kayo"
"Basta bantayan mo si Lawrence ha!"
Tumawa naman sya, "wag kana kaya umalis, hindi mo kaya iwan si Lawrence e"
"Hindi pwede! Aalis na ako!
Bago ako lumabas, binato ko sya ng mansanas galing sa lamesa, napangisi naman ako ng agad nya sinambot yon.
Hindi pa din kumukupas ang bilis ni monggoloid.
Sinara ko ang pinto, nandito pa din ang mga bantay namin. Awkward lang kase kami lang ang may bantay dito. Oa kasi namin, pake nyo ba!
Huminga ako ng malalim, sumakay ako sa elevator, tinitigan ko ang pinto ng kwarto ni Lawrence saka tuluyan na sumara ang elevator.
Praning kana dennise!
Hindi alam ng tauhan namin pupunta ako sa hacienda, ang alam nila sabay kami pupunta ni Lawrence pag magaling na sya.
Yong nangyari nong gabi ay sinikreto namin sa mga tao, kung nag tataka kayo kung bakit wala mga bantay nong gabing yon, pinatulog sila ni shelsea pati na din yong nakaitim na lalaki, yung may hawak naman kay shelsea na bantay, hinampas ng baril nong nakaitim.
Mabuti na lang, wala nasaktan sa mga kasama ko nong nag inarte ako. Kung hindi lang talaga ako umalis, hindi sana mababaril si Lawrence.
Pinatunong ko ang kotse ko, nagitla naman ako nang makita ko si manyak na nakatayo sa pinto ng passenger seat ng kotse ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226503862-288-k536922.jpg)
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomansDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...