💛💛💛
Pinag mamasdan ko ang mga studyante habang nandito ako sa rooftop ng building ng mga boys, kung saan gumawa ng surprise sa akin si Lawrence dati.
Maaga ako pumasok para lang pumunta dito, mula dito sa taas nakikita ko ang mga studyante bago dating, mapait ang aking pag ngiti ng maalala ko ang mga panahong nandito pa si Lawrence.
Hindi ko talaga maiwasang maalala ka, mahal ko.
Tumama sa akin ang sinag ng araw, napangiti naman ako ng madama ko ang liwanag nito sa aking balat.
Dati nag rereklamo ako pag dumadampi sa akin ang sikat ng araw dahil pakiramdam ko mangingitim ako, ngayon hindi na dahil naiintindihan ko na ang lahat. Kaya pala ganon na lang ako pag tripan ni tito luciano kase napaka arte ko sa arawan yon pala alam nya ang lahat.
"Nandito ka pala" rinig ko boses mula sa likuran ko
Nilagay ko sa palad ko ang baba ko saka tumingin sa baba, kita ko mula dito sina Monique pati na rin sina Samantha
"Bumaba kana, mag sisimula na ang klase nyo"
"Mauna kana, susunod na lang ako" walang gana sabi ko sa kanya.
Narinig ko nag bukas at sara ang pinto, saka ako humarap sa likod.
Bumuntong hininga ako, pinag masdan ko ang buong rooftop. Wala na ang mga petals at balloons na nakalagay dito dati, nilinis na nila.
Inayos ko ang buhok ko dahil nililipad ng hangin. Ang mga hiblang nasa mukha ko ay inayos ko rin dahil nahaharangan ang mata ko.
Hanggang sa madako ang paningin ko sa kulay pink na rosas sa lamesang nandito.
Nilapitan ko ito, saka ko kinuha. Mabango ang amoy nya, halatang bagong pitas pa lang. Nilibot ko ang paningin ko, agad naman ako nag taka wala naman ibang tao dito bukod sa akin, wala ito nong umalis si leonardo.
Pinatong ko ulit sa lamesa ang rosas. Siguro may nakaiwan lang, nakalimutan dalhin paalis.
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko
"Shelo" mahina ko sabi nang humarap ako sa kanya.
Pinag masdan ko ang kabuuan nya, ang dami nya pasa at sugat na hindi manlang nagagamot.
Hinawakan ko ang balikat nya, agad naman sya yumakap sa akin.
Nabigla ako sa kanya ginawa, "Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo" hinagod ko ang likod nya.
Humikbi naman sya, humigpit ang yakap nya sa akin. Naguguluhan man ako ay hinayaan ko na lamang sya.
"Anastasia" bulong nya, nastatwa ako sa boses na narinig ko sa kanya.
Kumalas ako sa yakap nya, saka ko hinawakan ang mag kabilang pisngi nya.
"Shelo, Anong nangyayari sayo?"
"Anastasia" muling tawag nya sa akin
Lumayo ako sa kanya, biglang nag laho ang kanya imahe mula sa harapan ko.
"DENNISE!" Hinila ako ni leonardo papalapit sa kanya, natulala ako dahil sa nakita ko.
Hindi sya si shelo, katawan lang nya ang nakita ko pero iba ang kanya boses. Hindi ko alam kung kanino yon pero parang pamilyar sa akin ang boses nya.
Tinapik ako ni leonardo ang pisngi ko kaya bumalik na ako sa wisyo
"Ano nakita mo? Ano nangyayari sayo?" Nag aalala tanong nya sa akin
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...