🔥37

65 4 0
                                        

💛💛💛

KINABUKASAN maaga ako nagising para sa pag pasok ko, bahagya pa ako nagulat ng makita ko si leonardo na na natutulog sa sofa dito sa kwarto.

Nag tama ang aming paningin ng nagising sya, bumangon sya nanatili naman ako nakaupo sa kama. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko.

"Morning, gising kana pala? Papasok ka ba ngayon?" Kaswal na tanong nya

"Paano mo nalaman nandito ako?"

"Dahil sa kotse mo nandoon sa labas, pinahanap ka nila sa akin. Wag ka mag alala hindi ko sasabihin nandito ka"

Tumayo sya sa pag kakaupo, nakatingin lang ako sa kanya.

"Papasok ako ngayon, ikaw ba?"

"Oo naman, sige na mag handa kana mag luluto lang ako sa baba"

Umalis sya ng kwarto kaya naiwan na ako mag isa dito, may uniform ako sa kabinet kaya wala problema. Pumunta ako sa cr para maligo, dalian ang aking pag kilos dahil baka mahuli ako, ngayon pupunta ang mga stock holder para sa audit kelangan maging reprensentable.

Bumaba ako mula sa kwarto saka dumerecho sa kusina, bago ligo at bihis na rin si leonardo, papasok muna sa sya sa opisina bago pumunta sa school.

Umupo ako sa bangko saka nya nilagay ang pag kain ko sa harap ko. Sumabay na rin sya sa akin.

"Bakit ka nag layas?" Basag nya sa katahimikan namin

Uminom muna ako ng tubig, "Mahabang kwento" sagot ko

"Nag layas ka, pero makikita mo pa rin mamaya ang pamilya mo, hindi rin effective pag lalayas mo" prangka sabi nya sa akin

"Ayos lang kung makita nila ako, basta simula ngayong araw na ito hindi ko na sila kapatid at magulang, normal na kapamilya ko na lang sila"

"Ano ibig mo sabihin?"

"Inampon lang nila ako para sa trono, yon ang na realize ko kahapon, para sa katatahimik ng pamilya ko ilalayo ko na ang sarili ko sa kanila, pero wag ka mag alala tatanggapin ko pa rin ang nakatakda sa akin, ipinanganak ako para sa trono, ako ang mag babayad ng mga buhay na nawala"

"Nahihibang kana ba? Ikakapahamak mo ang pag alis mo sa teretoryo nila! Hindi mo ba naisip kaya ka nila tinanggap para maprotekhan ka, dahil ikaw na lang natitira sa inyo dennise, Villarreal ka! Prinsesa ka, taga pag mana ka ng emperyo nyo"

"Bakit ako mapapahamak? Nandyan ka naman diba? Oo, buhay ako dahil sa kanila, pero ako ang kapalit ng lahat.. Ang pag buhay sa akin ang syang pag palit ko sa dapat na taga pag mana talaga. Yon talaga ang purpose ko sa mga Villarreal leonardo"

Binaba nya ang kutsara saka sumandal sa bangko. Ngumuso ako dahil sa kakaiba nya tingin sa akin

"Sa tingin mo tama 'to ginagawa mo? Pwes, hindi. Dahil pinapahamak mo ang tatlong emperyo! Ikaw ang target ng timog! Pag isipan mo ng mabuti, maging matalino ka wag ka bobo dennise!" Pigil ang galit nya sa akin, habang nakatingin ng derecho sa gawi ko.

"Lumayo lang ako sa kanila, pero ako pa rin yong prensesa nyo!"

"Sa tingin mo matutuwa si Lawrence sa ginagawa mo? Bakit ba ang hirap para sayo intindihan na kaya sila nag lilihim sayo dahil pinoprotekhan ka nila, wala tayo sa mundo natin kaya tikom lang bibig nila"

"Ako ang hindi nyo maintindihan! Nahihirapan ako leonardo! Dahil sa ama ko dahilan kung bakit namatay ang panganay ng Villarreal, dahil naman sa lolo ko kaya namatay din ang kapatid ng ama ko!"

"Pero hindi pa rin sapat yon para lumayo ka!"

"Bakit ba kung umasta ka alam mo ang lahat! Wala ka naman doon ah!"

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon