🔥19

64 4 0
                                        

💛💛💛

A/N: Self kaya mo yan ituloy mo ito. Nakaplano na ang lahat. Kaya mo yan cheer up 🌻

--

"Dennise, baby gising na kumain ka muna" rinig ko sabi ni nathan

Minulat ko ang mata ko, nakangiti siya sa akin. Humikab muna ako bagao mag salita. Chineck ko muna si Lawrence, mahimbing pa din ang pag kakatulog niya.

"Mabuti naman hindi ka umalis dito"

Inayos niya ang pag kain sa lamesa, mga luto pag kain. Pinaluto niya siguro sa katulong namin.

"Hindi pwede iwan si Lawrence, wala din naman ako gagawin sa labas"

Tiningnan ko ang mga damit na dala niya, T-shirt at shorts lang tapos panloob lang laman ng bag.

"Sorry nga pala medyo natagalan ako, pinag luto ka pa kasi ng pagkain ni monique, ipinag handa ka naman ng damit ni Samantha"

Nag lalagay na siya ng pag kain sa plato, inihanda ko naman ang mga susuotin ko pag katapos maligo.

"Ayos lang yon, hindi ko din naman namalayan ang oras"

Umupo ako sa bangko at pinag silbihan ako ni kuya. Umupo din siya sa tabi ko, sumilip muna ako ako kay Lawrence saka sumubo ng pag kain.

"Hindi ka ba uuwi sa bahay bukas?"

"Hindi kuya, ayoko iwan si Lawrence dito"

Sumabay sa akin si nathan kumain, panay ang tingin niya sa akin habang kumakain ako.

"Paano pag pasok mo next week?"

"Papasok ako pero dito ako dederetso pag katapos ng klase"

Inubos ko ang pag kain ko, tumayo ako at kinuha ang mga susuotin ko pati na din ang tuwalya. Hindi ko nilingon si nathan, dumeretso ako sa banyo.

Hinubad ko ang damit ko, nag simula ako maligo ng tahimik at malalim ang iniisip. Ayoko ng ganito pakiramdam parang ang laki ng kulang sa kalahati ng pag katao ko. Parang bumalik na naman ako sa dati ko sarili.

Kelangan na namin kumilos, kelangan bago dumating parents namin mahuli na namin ang mga gago yon. Si daddy ang puntirya nila, mas lalo hindi ko kakayaning may mangyari sa magulang ko.

Tinapos ko ang pag ligo, pinatuyo ko ng maayos ang buo ko katawan nag suot na rin ako ng damit, nilagay ko sa ulo ako tuwalya saka lumabas na ng banyo.

Madaling araw na, hindi pa din gumigising si Lawrence. Nag aalala pa rin ako sa kanya, sariwa pa din ang alaala ko sa nangyari.

Nakaupo na si nathan sa sofa may binabasa siya sa laptop habang ako naman ay nag aayos ng sarili.

"Kamusta sina Samantha kuya? Ayos lang ba sila nong umalis ka" tanong ko sa kapatid ko habang inaayos ang kumot ni Lawrence.

"Maayos sila sa bahay, doble ang nilagay na security doon nag padala si tito luciano ng bago tauhan para sa seguridad nila sa bahay" sabi niya habang seryosong nakatingin sa screen ng laptop.

Nandito kami ngayon sa hospital na pag mamay ari ng mga Imperial, isa din kami sa stock holders nito. Kaya ayos lang kung sa mamahaling kwarto namin ilagay si Lawrence.

"Nathaniel sa palagay mo, bakit ganoon na lang ang galit nila kay daddy"

Umupo ako sa tabi niya, gusto ko siya makausap. Bukod kay Monique mga kapatid ko lang ang nakakausap ko ng seryoso.

Nilagay niya sa lamesa ang laptop at tumingin sa akin.

"Baka may ginawa si daddy na hindi nila nagustuhan Kaya ganoon na lang ang galit nila kay daddy, pero pakiramdam ko tungkol sa negosyo yon" seryoso niya sabi sa akin.

THE HEIR OF LIGHT [Complete]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon