💛💛💛
Sinalubong kami ng mga katulong pag kababa ko ng kotse ni leonardo, mabigat na ang pakiramdam ko masakit na din ang ulo ko, gusto ko na mahiga.
"Oh, bakit ka umuwi dennise?" Tanong ni nathan, nasa sala sya.
"Wala ka pakealam" mataray ko sabi sa kanya.
Tumayo sya sa pag kakaupo nya sa sofa, tumigil sya sa harapan ko pero kay leonardo sya nakatingin.
"Bakit ka nandito?" Nag tatakang tanong nya sa kasama ko.
Umupo ako sa sofa, pinatong ko sa sandalanan ang ulo ko.
"Hinatid ko lang si miss president, nilalagnat kasi sya"
Naramdaman ko may humipo sa noo ko, "nag paulan ka Anastasia?" Seryoso tanong ni nathan.
Anastasia tawag nya sa akin? Dapat na ba ako kabahan. Tss
"Naulanan lang, alexis"
"Ako na bahala sa kapatid ko, pwede kana umalis" utos nya kay Leonardo
Hindi ko na narinig mag salita si leonardo, siguro lumayas na.
Abala ako sa pag hihilot ng sintido ko nang bigla ako buhatin ni nathan, gusto ko pumalag pero hindi ko na kaya.
"Nasaan si john leo, bakit 'yon ang nag hatid sayo?" Irita tanong nya, paakyat na kami sa hagdan, inayos nya muna ang pag kakabuhat sa akin saka umakyat na.
"Nandoon sa hospital nag babantay kay Lawrence" wala gana sabi ko.
'Tss'
Pumasok kami sa kwarto ko at maingat nya ako inihiga sa kama, nilagyan nya ako ng kumot saka pinahinaan ang aircon sa kwarto.
Tinaas ko ang kumot ko hanggang dibdib ko, lamig na lamig ako sakit pa ng ulo ko.
"Wag ka muna tumulog, kakain ka pa tapos iinom ng gamot"
Hinipo nya leeg at noo ko, bumibigat na ang talukap ng mata ko.
"Mamaya na ako iinom ng gamot kuya, gusto ko tumulog muna"
Bumuntong hininga sya, "sige, ito ang cellphone" nilagay nya sa tabi ko ang cellphone ko, "pag may kelangan ka, tawagan mo ako"
Tumango naman ako, pumikit ako ng halikan nya ako sa noo. Tumalikod ako sa kanya, naramdaman ko naman umalis na sya sa gilid ng kama ko, Hindi ko na sya tiningnan pa.
PAG kagising ko agad ako pinakain ng yaya namin dito sa kwarto, hindi na nya ako pinababa. Uminom din ako ng gamot, bago ako natulog ulit nag half bath muna ako ng maligamgam na tubig. Medyo nawala ang sakit ng ulo ko nang tumulog ako, kulang nga lang talaga ako sa pahinga kaya ako ganito.
Wala ako ginawa sa bahay kundi mag pagaling, hindi na ako pinabalik ni nathan sa hospital kahit ano pagmamatigas ko hindi sya pumayag. Kaya ang ginagawa ko lagi ako tumatawag kay John leo, sa kanya ko kinakamusta si Lawrence. Minsan nakakausap ko si Lawrence pero madalas ay hindi, dahil lagi sya nag papahinga, lagi ako update sa lagay nya, pasukan na bukas pero hindi pa sya makakapasok. Hindi naman problema sa kanya yon, tutal naman graduate na naman sya sa states ng High school.
AN: (JOHN LEO AY SI LEO, BAKA KASI MALITO KAYO SA PANGALAN NILA NI LEONARDO, BAKA AKALAIN NYO SI LEO AY SI LEONARDO. NAHH, HINDI PO)
Papasok na ako bukas, magaling na naman ako e, kulang lang talaga ako sa pahinga tapos nag paulan pa ako.
Abala ang dalawa ko kapatid, hati sila ngayon sa mga gawain kay Samantha ko pinaubaya ang negosyo namin ni Lawrence, tumutulong din sya kay nathan. Nangako naman ako sa kanila babawi ako pag ayos na kami Lawrence.

BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...