💛💛💛
Sinuot ko ang earphones ko, saka pumikit para mag relax. Ito na madalas ko ginagawa, simula ng mawala sya sa akin. Aminado ako tuwing gabi ay umiiyak pa rin ako dahil sa pag kawala nya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.
Akala ko sabay kami ga garaduate dito sa Xavier yon pala hindi, dahil maaga sya nawala.
Marami nag taka kung bakit hindi na pumasok si Lawrence, pero naging tikom lang bibig namin. Hanggat maaari nilihim namin yon.
"Iniisip mo rin sya?" Minulat ko ang mata ko, saka tumingala sa taas.
Nakaupo si leonardo sa sanga habang nakatutok sa libro ang paningin.
Pumikit ulit ako saka binalewala ang presensya nya.
"Swerte talaga sayo ni Lawrence" nag salita ulit sya, nakinig lamang ako
"Kung nandito lang siguro sya, paniguradong mag kasama kayo ngayon. Kaso wala sya e, iniwan kana nya"
Inis ko tinanggal ang earphones ko sa tenga. Nakakairita sya! Panira ng mood e.
"Pwede ba! Umalis ka dyan!" Sigaw ko
"Nauna ako dito, bakit ako aalis"
"Gusto ko mag relax! Kaya manahimik ka pwede?"
"Mag handa ka Dennise, mag eensayo tayo sa sabado" pag iiba nya ng usapan
"Diba pwede wag muna? Mag aaral pa kase ako!"
"Bakit next week na ba exam nyo?"
"Oo, kaya wag ka muna umepal!"
Bumaba sya mula sa taas, saka tumabi sa akin.
"Galingan mo dennise, para maging proud sya sayo"
"Tigilan mo ako leonardo!" Angil ko
Bigla sya sumeryoso, pinulot nya ang maliit na bato sa tabi nya saka binato yon sa ibang dereksyon.
"Gawin mo ang tama, para maging karapatdapat ka simbolo"
"Yon naman ginagawa ko ah! Ano pa ba ang kulang?"
"Marami pa kulang, mahina ka pa rin kompara nong dati, nakokontrol mo dati ang kapangyarihan mo, ngayon hindi na."
"Ano ibig mo sabihin?"
"Galit ang nandyan sa puso mo, kaya ka ganyan dennise! Dapat mawala yan sayo, dahil pwede ka makapinsala ng iba"
"Wala na ako kontrol yan ang totoo, wala na iba kaya komontrol sa akin kung hindi sya lamang, nawawala ang galit ko pag nandyan sya, pero ngayon hindi na. Kaya naiipon sa dibdib ko ang lahat"
Bumuntong hininga sya, saka sumandal sa katawan ng puno.
"Kelangan kontrolin mo yan dennise, wala na sya kaya ikaw na lang pwede gumawa non, kelangan mo na mag ensayo kasama ng ibang taga kanluran"
"Sige sa sabado mag kita tayo"
Tumayo sya sa pag kakaupo, saka ako tumingin sa kanya. Muli ko na naman naaalala sa mata nya si Lawrence.
"Katulad ng paulit ulit namin sinasabi, tanggapin mo ang simbolo para sa mga tao sa spanya prensesa"
Pag katapos nya sabihin iniwan na nya ako, nakita ko naman si Monique na papunta na sa gawi ko dala ang mga libro galing library.
'Tss akala ko makakapag pahinga utak ko yon pala hindi pa rin! Mukha mag aaral kami ni Monique'
"Ano yan?" Tanong ko ng makalapit na sya sa akin
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...
![THE HEIR OF LIGHT [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/226503862-64-k536922.jpg)