💛💛💛
"Ate may event sa school, sino mag sasalita sa unahan bago mag simula ang event?" Kausap nya ako habang nakaupo, sinusuklay ko ang buhok nya.
Naisip ko pumasok na ngayon, pinayagan naman ako ni nathan. Mabilis mag hilom ang mga sugat ko dahil sa experemento ni Samantha na gamot, pinag mamalaki nya pa sa akin na turo daw sa kanya 'yon ng magaling na manggagamot sa East Empire. Wala na din ang peklat sa pisngi at binti ko.
"Si nathaniel ang mag sasalita sa unahan, sya ang panganay, sya din ang kinatawan ng pamilya natin" sagot ko
Kumunot naman ang noo nya, "Diba ikaw ang kinatawan ng pamilya, dahil ikaw taga pagmana"
Ngumiti ako, "bago ako kumilos si nathaniel muna Samantha"
Nilagyan ko ng light make up si Samantha, tutugtog sya mamaya at kasali din sya sa contest. Wala ako sinalihan dahil ayoko, kahit ang pag sayaw at pag pipinta ay inayawan Ko na. May kung ano sa akin na bigla ko na lang inayawan ang kinahiligan ko.
Pag katapos namin mag handa bumaba na kami, ilang araw na hindi pumupunta dito si leonardo kaya si Nathaniel ang mag hahatid sa amin sa school.
"Ang ganda naman ng mga kapatid ko" puri ni nathan
"Mas maganda si ate, kuya nathan"
"Pareho kayo maganda bunso, wala ako kapatid na panget" nathan
Tumawa na lamang kami, pinag pasyahan namin mag pahatid na lang sa school kaya kami tatlo ang mag kakatabi sa likod ng driver.
"Handa kana ba sa speech mo dennise?"
Napalingon ako sa kanya, "Diba ikaw ang mag sasalita mamaya?"
"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang taga pagmana ng emperyo"
"O, anong connect?
"So ibig sabihin, ikaw ang kinatawan ng pamilya natin, kaya ikaw ang mag sasalita mamaya"
"Ikaw naman, wala ako hinandang speech, ang akala ko ikaw ang mag sasalita mamaya"
"Utos yan ni daddy, masanay kana dennise, mas marami tao ang haharapin mo pag nakabalik kana sa emperyo"
Bumuntong hininga ako, kinabahan ako bigla.
"Asahan mo na malaki ang pag babago dahil sa naging disisyon mo dennise" seryoso sabi ni nathan
"Alam ko kuya"
"Maging alerto ka dahil alam na ng taga timog kung nasaan ka" tumingin sya sa akin, "kelangan mo mag ingat, inaasahan ng mga tao na makakabalik ka sa spanya para tanggapin ang simbolo"
Hinawakan ni Samantha ang nanlalamig ko kamay
"Ang skull na tattoo ay simbolo ng taga timog, tandaan nyo yan" nathan
Tumango ako sa kapatid ko.
Alam ko na ang tungkol don, dahil nalaman ko 'yon nong nag imbistiga ako. Una ko nalaman na hindi sila taga dito, pinadala sila mula sa spanya para takutin ako, ako talaga ang puntirya nila hindi ang aking ama. Handa sila patayin ako, nong una hindi ako naniniwala dahil hindi ko pa alam ang lahat pero natauhan ako nang nabaril si Lawrence, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nila binaril si Lawrence, bakit nila sinaktan ang kakampi nila. Isa pa sa nag papagulo sa isip ko kung sino si Luwi Andrew, masyado sya mailap. Wala ako makuhang impormasyon sa kanya.
"Tuloy ang expansyon ng kompanya natin, pati na rin ang launching"
"Itutuloy talaga yon kuya?" Tanong ni sam
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomantizmDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...