💛💛💛
Pumunta kami sa Greenwich para lumamon, agad naman nag hanap ng pwesto si Samantha.
Medyo naiirita ako dahil kanina pa tingin ng tingin yung isa lalaki malapit sa cashier, tapos ang leche ko pa Best friend lumalandi sa isang nag ka cashier.
"Ano na tapos na ba kayo mag landian?" Tanong ko kay monique
Mabuti na lang kokonti ang costumer, kundi lagot kami dito.
Pero ang gaga, may pasingit effect pa ng buhok sa tenga habang lumalandi.
Leche gutom na ako! Kanina pa kami nag uuli dahil wala boutique na hindi nagugustuhan nong dalawa! Yung isa nga boutique gusto na bilhin ni Samantha dahil halos lahat ng damit gusto niya. Kung hindi ko pa pinitik ang tenga hindi pa titigil e.
"Leche mag lalandian na lang ba kayo o ibibigay niyo na sa akin yang pizza na lintek na yan!"
Nagulat lahat ng tao dahil sa pag sigaw ko, napakamot na lang ako sa noo dahil sa sobra inis.
"KJ mo dennise" bulong sa akin ni Monique
"Landi mo susumbong kita kay nathan!"
Kinuha ko ang pizza pag katapos ilagay sa box. Yamot na ako!
Iniwan ko si Monique sa counter, umupo ako sa tabi ni Samantha. Binuksan ko ang isa pag katapos kumuha ako ng isa hiwa, gutom na ako.
Sinubo ko hanggang kalahati, saka ngumuya. Umupo naman si monique sa harap ko katabi niya lahat ng pinamili namin.
"Gutom na gutom ka teh?" Monique
"Pake mo?" Sabi ko habang puno ang bibig ko.
"Grabe ka, lunukin mo muna yan"
Inirapan ko siya, uminom ako ng soft drink na inorder niya saka pinunasan ang bibig ko.
"Ate Monique saan ka galing?" Inosente tanong ni Samantha, nakain siya habang nakatutok sa cellphone
"Sa counter umorder kasa----"
"Lumandi sa counter" putol ko sa sinabi niya.
"Grabe hindi a!"
"Tumanggi ka para mag kabuni ka!"
"Yaaks!" Sam & Monique
"Arte nyo! Papanget niyo naman"
"Ikaw na maganda ate!"
"Mabuti alam mo!"
Ngumisi naman ako, sama na ng tingin nila sa akin. Wala naman ako pakealam kumuha ulit ako ng pizza at sumubo ulit ng malaki.
Gutom ako wala basagan ng trip! Kayo kainin ko e.
"Ano oras na nga pala?" Tanong ko sa kanila
Hindi ko namalayan ang oras, masyado ako nalibang.
"Oras na para itigil mo na yan ate!"
"O bakit? May angal ka, gutom ako wala ka pakealam!"
"Masisira diet mo nan, ikaw na nakaubos ng kalahati"
Natigilan ako, tama nga siya nakakailan pa lang sila samantalang ako hindi ko na mabilang ang kinain ko.
Gutom nga kase ako! Huhuhuhuhu.
"Omg! Tumatawag si nathan sa akin!" Sabi ni Monique
Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko, tinapunan ko siya ng tissue dahil nag titili ang bruha, para binudbudan ng asin na ewan.
![](https://img.wattpad.com/cover/226503862-288-k536922.jpg)
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
Любовные романыDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...