💛💛💛
Abala ako sa pag tingin ng buo namin hacienda dito sa terrace ko sa kwarto, nilalaro ko ang yelo sa baso hawak ko, iniinom ko ang alak na laman habang malayo ang tingin ko. Isang buwan na nakalipas na nangyari ang pag pasok dito mismo sa kwarto ko, hindi pa namin napapag usapan ni nathan ang tungkol doon, naging abala na naman siya sa opisina. Kaliwat kanan ang mga meetings, nagustuhan ng mga italyano ang produkto namin kaya nag pagawa pa si daddy ng another batch ng alak. Yung isa libo hindi nagawa dati, naihabol nila yon. Nag doble time pa sila para hindi pumalpak, nakakatuwa nga at hindi nag rereklamo ang empleyado namin, paano kasi, may increase ang sahod nila. Masyado na kampante si daddy dahil sa maganda pamumuno ni nathan, sigurado na ang uwi nila bago ang graduation ko. Ilang buwan na lang din pasko na. Actually one week kami wala pasok ngayon dahil araw na nang patay sa byarnes.
Ngayon gaganapin ang naudlot na party namin, celebration yon, dahil kami tatlo ni Monique Sam at ako ay nakapasok sa power 10. Ang bisita lang namin ay si leo, Zy at kaibigan ni Samantha. Dadating din si Lawrence, ayoko sana papuntahin si Zy dahil mainit pa din ang dugo ko sa kanya, hindi niya pa din kasi tinitigilan si Lawrence, lagi kami nag tatalo pag nasa science lab, hindi ako nag papatalo, pinapamukha ko talaga na alam ko na yung tinuturo niya, hindi niya ako sinasali sa groupings, madalas solo ako nag papaliwanag ng sarili ko experiment, bantay sarado sa akin ang bawat galaw niya. Naturingan teacher higad!
Gabi gaganapin ang party, dito sila matutulog. Nag paalam kami kay mommy since siya ang sumagot ng tawag nong tumawag si sam, ayos lang naman sa kanya basta wag na madadagdagan ang bisita. Nag padala pa siya ng regalo sa amin ni sam, alahas yon, gold necklase with sunflower ang pendant ang akin kay Samantha naman ay bracelet.
Nang maubos ko na ang laman ng baso ko, pumunta ako sa lamesa para mag salin ulit ng alak, maya maya ay nandito na ang mga bisita namin, nag handa lang kami ng seafoods at pang ihaw mamaya, desserts at ilang alak. Sina leo at nathan ang nag suggest na pool party ang gagawin namin. Tamang tama sabik na din ako mag swimming.
Pumunta ulit ako sa pwesto ko at tumingin sa kawalan, narinig ko naman ang mga yabag papalapit sa akin, kahit hindi na ako lumingon alam ko si kuya yon, gamit niya kasi ang paborito niya perfume.
"Bakit ka nag iinom agad, mamaya pa ang party a" tumabi siya sa akin, ipinatong niya ang siko sa railings at tumingin sa akin.
"Wala ka pake kuya" inirapan ko siya, naiilang ako sa tingin niya.
"Mabuti nag hilom na ang sugat mo" kumuha siya ng isa bote sa lemesa na hindi pa nabubuksan, nakalagay lang yon sa marami yelo, binuksan niya yon gamit pang bukas ng bote.
Uminom siya doon, halos mangalahati na ng tumabi ulit siya sa akin. Tumingin din siya sa kabuuan ng sakop ng hacienda namin.
"Oo nga e, pero sariwa pa din sa akin yon" sabi ko, pag katapos ng ilang minuto ko pananahimik.
"Alam ko, malakas ang kutob ko may kinalaman doon si lui andrew" uminom ulit siya, seryoso ang mukha niya habang nakatingin lang sa lupain namin.
"Kuya sino ba yon? Nabanggit din sa akin nong isa si daddy"
Kumuha ulit siya ng alak, kinabigla ko naman yon. Ngayon ko lang siya nakita mag inom ng ganito.
"Hanggang ngayon, hindi pa din mag tugma ang nakuha ko ibidensya sa kanya, ang alam ko lang kasama siya sa sindikato" pag amin niya sa akin.
Kinabahan naman ako, malaki katanungan sa akin kung ano kinalaman ni daddy sa kanila.
"Natatakot ako kuya, baka may binabalak sila masama sa pamilya natin"

BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomansDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...