💛💛💛
"Denden!!!" Tawag sa akin ni monique habang tumatakbo papalapit sa akin.
Nag lalakad ako sa corridor papuntang bulletin board, titingnan ko kase ang results ng exams ko, pati na rin ang general average ko.
"Dennise!!"
Huminto ako sa pag lalakad at humarap sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa bulletin board"
"Ganon ba, sige tara tingnan natin ang results"
Tumango lamang ako, humawak sa kamay ko si Monique. Panay ang kwento nya tungkol sa nangyayari sa kanya, nakikinig naman ako.
"Pasok kaya ako dito sa Xavier sa college" mahinang sabi nya pa
"Pasok ka, mag tiwala ka lang"
"Sana nga, pero paano kung hindi ako pasado sa course na kukunin ko diba?"
"Magaling ka sa management, sigurado makakapasok ka sa business course Monique"
"Ikaw ba? Ano kukunin mo course?"
"Ganon pa rin, architecture, pero kapag sa spanya na ako mag aaral o kaya titira baka mag bago ang isip ko"
"Sana dito ka pa rin mag aral denden, nakakalungkot pag wala ka. Hindi ko alam kung sino na ang magiging kaibigan ko sa college"
Bumuntong hininga ako, "Puwede ba wag mo ako dramahan ng ganyan nicnic" kunwaring inis ako sa kanya
"Okay fine! KJ mo talaga kahit kelan!!" Nakanguso na sya habang masama tingin sa akin.
Tumawa ako, kaya lalo sya nainis sa akin. Nauna na sya mag lakad sa akin. Hindi ko naman hinabol dahil iisa lang naman ang pupuntahan namin dalawa.
Marami seniors ang nakikitingin sa nakapaskil sa bulletin board. Nasa likuran lang kami dalawa ni Monique, nag hihintay na matapos silang lahat.
"Ano ba yan ang dami naman nila, paano tayo makakasingit!" Reklamo pa ni monique
Marami ang masaya sa results nila, yung iba dismayado dahil mababa ang nakuha nilang results. Pag kase mababa ang nakuha mo results hindi ka puwede sa mataas na courses, katulad ng engineering, Doctor, architecture, teacher at iba pa. Karamihan napapapunta sila sa mga course na hindi nila gusto pag mababa ang result ng average nila, ganon ang patakaran dito sa Xavier. Kaya ang sistema pag mababa ang result sa ibang college school sila nakuha ng entrance exam.
Kung petiks ka sa Elementary school dapat hindi na sa High school dahil nakasalalay sa Average mo ang course na gusto mo kunin dito sa Xavier. Mataas ang standard ng college dito sa Xavier kaya kokonti lang ang pinapalad, sunog kilay ang studyante sa college, kung may nag loloko man pinapatawag agad dahil ayaw ng mga professor na patamad tamad, dahil sila ang mapapagalitan ni daddy.
Masasabi ko naman worth it ang pag hihigpit nila sa college dahil halos lahat ng naka graduate na sa Xavier ay professional na.
"Tara tingnan na natin denden" hindi na ako nakapag salita dahil hinila na ako ni Monique
Una ko tiningnan ang results ng grades ni Samantha, napangiti naman ako dahil Top 1 pa rin sya. Bilang ate proud ako sa kanya, talagang hindi nya pinapabayaan ang pag aaral nya.
Bukas na ang recognition day nila, sigurado sina mommy at daddy ang mag sasabit sa kanya ng medal.
"O my god!, dennise pasado ako!! Pwede ako mag aral dito!!" Bumalik ako sa reyalidad sa boses ni Monique
BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
Любовные романыDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...