💛💛💛
R18 (wag mo na basahin kung wala kapa sa tamang edad. Uulitin ko, wag mo na basahin pag wala ka pa sa tamang edad.)
---
Nandito ako ngayon sa sanga ng puno prente ako nakaupo dito habang tinitingnan ko ang album ni mommy, hindi ko maiwasan humanga ng todo dahil sa kanya ganda, simula pag kabata hanggang sa pag dadalaga meron pictures si mommy. Masasabi ko nga na kamukha ko sya mula sa labi sa hugis ng mukha at mata, lalo na sa ilong. Pero ang kulay nya ay hindi ko nakuha dahil mas maputi ako sa kanya. Hindi ko naiwasan mang hinayang dahil hindi ko manalang sya nahawakan o nahalikan manlang lumaki ako ng wala sya sa aking tabi, kung bibigyan lang sana ako ng pag kakataon na makita silang dalawa ng aking ama, yayakapin ko sila ng mahigpit at sasabihing mahal na mahal ko sila.
Nangunot ang aking noo, dahil wala ako nakikitang picture ng aking ama tanging ang alam ko lamang ay pangalan nya pero ang mukha nya ay hindi, nakakapag taka kahit naman siguro lihim lang sila nag ibigan ni Queen alexa dapat may larawan pa rin sya kahit papaano.
Hindi ko tuloy maiwasan isipin, ano kaya itsura ng kalahi ko, gaano kaya kalakas ang aking ama? Tunay kaya napakalakas nya? Ano kaya itsura ng ibang humawak ng elemento sa pag kakaalam ko may elemento ng tubig, hangin at lupa pa. Nakakalungkot dahil nawala sila lahat, nawala bigla sila sa history ng spanya.
Naikuyom ko ang palad ko napakasama ng gumawa sa kanila noon! Pinatay nila ang lahat ng may hawak ng elemento! Pinatay nila ang kalahi ko, walang awa nila pinatay ang aking magulang!
Sisiguraduhin ko sa oras na makuha ko na ang simbolo, lilipunin ko ang kalahi ko, tatayo ako bilang isang taga pagmana ng dalawang angkan. Pag sisihan nilang nabuhay pa ako sa mundong ito. Itaga nila yon sa bato!
"Humanda kayo! Balang araw mas hihigatan ko pa ang magulang ko, magiging balanse ulet ang samahan ng maharlika at ng buong Emperyo!" Bulalas ko habang nakatitig sa ulap, nag sisimula na dumilim. Napangiti naman ako
Pinag masdan ko ang araw na papalubog, ngumiwi naman ako ng sumakit ang tanda sa balikat ko. Bumaling naman ang tingin ko sa picture ng aking ina.
Napaluha ako ng pag masdan ang larawan nya. Karga nya ako habang nakangiti sya, nasa hardin kami napakasaya ni mommy habang tinitingnan ako. Niyakap ko ang album na may laman na pictures ng aking ina, tahimik ako umiyak. Hinayaan ko ang sarili ko.
"Hey little brat!" Pinunasan ko ang luha ko, tiningnan ko ang lalaking nasa baba.
Napairap ako ng si nathaniel ang tumawag sa akin.
"What?"
"Bumaba kana dito, tinatawag ka ni daddy" napamewang sya habang nakatingin sa akin dito sa taas.
"So?" Mataray ko tugon
"Dennise!" Napipikon na sya
"Get lost, I want to be here! Big brother." Inirapan ko pa sya ng isang beses saka tumigin sa picture ni mommy
"Daddy wants to show something for you Dennise Anastasia!" Pakamot na sya sa sintido, mauubos na ang kanyang pasensya
"I don't care! Hindi ako interesado, hindi mo ba nakikita nag momoment ako dito!"
"Shit! Kaya ayoko ako ang mag susundo sayo e, hirap mo mapasunod! Damn it!"
Napangisi ako, "Go away! I don't want to see your ugly face!"
Nasapo nya ang noo, "Wag mo intayin na gamitin kita ng kapangyarihan dennise!" Irita nya sabi sa akin.
"Talaga? Dapat na ba ako matakot nathan?"

BINABASA MO ANG
THE HEIR OF LIGHT [Complete]
RomanceDISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...